Unemployed sa Pinas pumalo sa 3.5M nitong Oktubre

Unemployed sa Pinas pumalo sa 3.5M nitong Oktubre

December 7, 2021 @ 10:36 AM 10 months ago


MANILA, Philippines- Umakyat ang bilang ng mga indibidwal na walang trabaho sa Pilipinas sa 3.5 milyon nitong Oktubre, batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes.

Ma mataas ang bilang na ito kumpara sa 3.07 milyong naitala noong Hulyo 2021, subalit mas mababa sa 3.81 milyong naiulat noong Oktubre 2020, base sa PSA.

“Sa populasyon ng 15 taong gulang pataas, ang bilang ng nasa labor force o mga indibidwal na employed o unemployed ay naitala sa 47.33 million nitong Oktubre 2021,” pahayag ng PSA sa Twitter.

Sa kabuuan ay umabot sa 43,181 households ang nakilahok sa October 2021 Labor Force Survey, habang 121,990 naman ang nakilahok sa naturang survey noong Hulyo 2021, at 43,503 sa October 2020 survey. RNT/SA