Unemployment, underemployment sa kabataan, iimbestigahan ni Angara

Unemployment, underemployment sa kabataan, iimbestigahan ni Angara

August 31, 2022 @ 7:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang imbestigahan ni Senador Sonny Angara ang isyu ng unemployment at underemployment ng kabataan upang makalikha ng pamamaraan upang mabaligtad ang sitwasyon.

Sa pahayag, sinabi ni Angara, chairman ng Senate youth committee na inihain niya ang Senate Resolution No. 155 na naglalayong: “To inquire into the state of youth unemployment and underemployment in the country.”

Aniya, lubhang nakababahala ang paghihirap ng kabataang Filipino na makahanap ng trabaho kahit sa puntong nagsimula nang magbukas ang ekonomiya matapos ang dalawang taon ng pandemya ng COVID-19.

Base sa Labor Force Survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority nitong June 2022, pumalo sa 11.8 porisyento ang youth unemployment rate o may kabuuang 854,000 kabataan na may edad 15 hanggang 24 taong gulang.

“This was lower than the 14.5 percent or 1.159 Filipino youths recorded over the same period last year and the 12.8 percent posted before the pandemic,” ayon kay Angara.

Kahit may pagbaba sa aktuwal na bilang nitong nakalipas na dalawang taon, sinabi ni Angara na masyado pa ring mataas ang numero at maaari pang tumaas maliban kung may ilalatag na programa upang tugunan ang isyu.

“The COVID-19 pandemic had a huge impact on the entire population, including the youth. It could even be argued that the youth faced greater challenges during the pandemic because of the restrictions imposed on mobility. It was very difficult for them to join the labor force,” ayon kay Angara.

Sa isinagawang pag-aaral na may titulong “Global Employment Trends for the Youth 2022: Investing in transforming futures for young people,” tinaya ng International Labour Organization na aabot sa 73 milyong kabataan ang walang trabaho sa buong mundo sa taong kasalukuyan.

Kahit mas mababa ang numero kumpara sa 75 milyong nitong 2021, mas mataas pa rin ito ng anim na bilyon kumpara sa kabuuang bilang noong 2019.

Tinaya ng World Economic Forum namay 8.7 porsiyento ang pagbagsak ng tantos sa youth employment noong 2020 kumpara sa adult employment na bumaba sa 3.7 porsiyento.

Ipinakikita din ng datos sa World Bank na tumaas ang bilang ng youth unemployment sa Pilipinas – mula sa 6.7 porsiyento nitong 2018 tungo sa 6.8 porsiyento nitong 2019, 7.1 nitong 2020 at 7.3 porsiyento sa 2021.

“There are several laws in place to help the Filipino youth in finding jobs, including RA 10917 or Expanded Special Program for the Employment of Students; RA 10869, which institutionalized the JobStart Philippines program; and RA 11261 or the First Time Jobseekers Program. These laws have done a lot to assist the youth but we want to see what else we can do to address the gaps between education and employment,” ani Angara.

Si Angara ang awtor ng naturang tatlong batas.

Gaganapin ang imbestigasyon bukas, at maliban sa Senate Resolution 155, tatalakayin din ang ibang bagay na nakasaad sa Senate Bills 180, 675 at 840, lahat ng naglalayong lumikha ng Young Farmers and Fisherfolk Challenge program. Ernie Reyes