UNGA reso na sisingil ng war reparations sa Russia, suportado ng Pinas

UNGA reso na sisingil ng war reparations sa Russia, suportado ng Pinas

November 16, 2022 @ 8:24 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Kinumpirma ng  Department of Foreign Affairs (DFA) na suportado ng Pilipinas ang ipinalabas na resolusyon ng  United Nations General Assembly (UNGA) na nananawagan sa Russia na magbayad  ng war reparations.

Wala namang ipinalabas na karagdagang detalye ang departamento ukol sa bagay na ito.

Araw ng Lunes, ini-adopt ng UNGA  ang teksto  na may pamagat na  “Furtherance of Remedy and Reparation for Aggression Against Ukraine” habang  isinasagawa ang kanilang 11th Emergency Special Session, sumusuporta sa  pagtatatag ng mekanismo para sa Russia na magbayad sa danyos at pagkamatay ng kanilang mamamayan nang simulang salakayin ng Russia  ang Ukraine noong Pebrero  2022.

“The resolution calls for the establishment of an international mechanism for reparation as well as a registry to document evidence and claims,” ayon sa ulat.

Kinikilala ng nasabing teksto  na dapat na pananagutin ang Russia para sa anumang paglabag sa  international law sa Ukraine  at dapat din na  “bear the legal consequences of all its internationally wrongful acts, including making reparation for the injury, including any damage, caused by such acts.”

Tnatayang  94 states ang bumoto pabor; 14  ang kontra habang 73 naman ang  abstained, kabilang na ang Southeast Asian nations gaya ng  Vietnam at Indonesia.

Ang paliwanag ng Indonesia sa naging boto nito, ang ‘underlying message’ o batayan ng mensahe ay dapat na mahinto na ang giyera at dapat na igalang ang soberanya at territorial integrity.

Ang panukalang mekanismo ay dapat na  “built upon a foundation of due process”  upang matiyak lamang ang sinasabing  “reparation effort.”

“We are concerned that a lack thereof may prevent the General Assembly to act prudently and decide prematurely, particularly when the terms of operation of this initiative have yet to be decided and will be negotiated outside the framework of the Assembly,” ayon sa kinatawan nito.

“Given the explanation by the sponsors that the mechanism will be set up outside the UN system, we further question the need for this resolution. A General Assembly resolution at this stage may lead us to a slippery slope,” dagdag na pahayag ng kinatawan nito. Kris Jose