Unibersidad sa Leyte, binulabog ng bomb threat

Unibersidad sa Leyte, binulabog ng bomb threat

March 28, 2019 @ 10:52 AM 3 years ago


Leyte – Binulabog ng bomb threat ang isang unibersidad sa Leyte na nagtulak sa mga opisyal na magsuspinde ng klase at trabaho ngayong Huwebes.

Sinuspinde ng Visayas State University (VSU) sa Baybay City, Leyte ang pasok sa paaralan at trabaho matapos makatanggap ang ilang school official at mga estudyante ng bomb threat sa pamamagitan ng text.

Ang mga pasok ng mga empleyado ay magbabalik sa Biyernes habang ang mga estudyante naman ay sa Lunes.

Nitong Miyerkules ng hapon, ang Vice President for research and Extension ng unibersidad at ilang estudyante ay nakatanggap ng text message mula sa umano’y miyembro ng New People’s Army na nagsasabing mayroong bomba sa paaralan.

Dahil dito, ang mga estudyante at mga empleyado ay inatasang umalis sa kani-kanilang mga dorm at opisina at binalaang manatiling bigilante.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente./Remate News Team