Unified Grand Central Station aarangkada na ngayong Hunyo

Unified Grand Central Station aarangkada na ngayong Hunyo

June 16, 2022 @ 6:33 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Makukumpleto na sa loob ng buwang ito ang Common Station — na magkokonekta sa apat na linya ng riles at pampublikong kalsada sa Metro Manila, sinabi ng Department of Transportation (DOTr), Huwebes.

Ang pagkumpleto ng Common Station — na tinawag na Unified Grand Central Station – bago matapos ang administrasyong Duterte ay isang “testament” sa mandato ng DOTr na “payagan ang kalidad ng serbisyo sa ating mga kababayan.”

“After eight years of delay, the Common Station is expected to be completed this June with the remainder of the project now in full, accelerated construction pace,” ayon pa sa Facebook post .

Matatagpuan sa North Edsa, Quezon City, ang Common Station ay magtatampok ng 13,700-square meter concourse area at mag-uugnay sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7), at ang Metro Manila Subway.

“There will also be an intermodal integrated system below, allowing leaving passengers of the Common Station to depart by bus, jeepney, or taxi conveniently,” sabi ng  DOTr

Sa sandaling makumpleto, ang istasyon ay makakapagserbisyo Ng hanggang 500,000 pasahero kada araw.

Tiniyak sa  publiko na mas maraming proyekto sa transportasyon sa buong bansa ang matatapos bago bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30.

“Within the remaining 15 days of the Duterte administration, more projects across the archipelago will be completed and initiatives to be implemented to achieve unprecedented heights of connectivity and mobility to make the Filipino life more convenient and comfortable,” dagdag pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden