Uniform curfew hours sa NCR, para sa pagbabait ng quarantine violators – DILG

Uniform curfew hours sa NCR, para sa pagbabait ng quarantine violators – DILG

March 13, 2021 @ 4:13 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Iginiit na ang pagpapatupad ng Metro Manila mayors ng dalawang linggong ‘uniform curfew hours’ ay para sa ikababait ng quarantine violators, batay sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Inilarawan din itong “a necessary measure’’ kung saan inilahad ni DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya ang pangangailangan na magpatupad ng unified curfew hours upang hindi na lumobo pa ang COVID cases.

 “With the imposition of the common curfew hours plus the other policies currently being implemented in Metro LGUs such as localized or granular lockdowns and the crackdown of violators of minimum public health standards, we hope to see a decline of coronavirus cases in the following weeks; therefore we urge the public to cooperate,” pahayag ni Malaya.

Ipinag-utos na rin ni DILG officer-in-charge (OIC) Bernardo Florece sa Philippine National Police (PNP) ang pagsita sa quarantine violators, pagpapatupad ng curfew, at pagpapaigting sa pagpapatupad ng minimum public health standards sa lahat ng barangay.

Paliwanag ni Malaya, hindi kasali sa curfew ang mga nagtatrabaho basta ipakita lamang ang kanilang identification cards (IDs) o patunay. RNT/FGDC