COVID, KAPOY NA; PATAY SA US, 400-1,000 LANG

August 17, 2022 @6:23 PM
Views:
39
SABI ng Department of Health, mahinang klase ang BA.5 na COVID-19 virus.
Paliwanag nito, sa 5,214 na kasong BA.5, dalawa pa lang naman ang namamatay.
Pero ang BA.5 ngayon ang nangunguna sa rami ng mga nadidiskubreng virus sa mahal kong Pinas.
Paliwanag ng DOH, mismong ang Philippine Genome Center na nagsasagawa ng mga pagsusuri ang nagsasabing 85 porsyento sa lahat ng virus ng COVID sa Pinas 85 porsyento.
Madali umanong lumaganap dahil naiiwasan nito ang mga pangharang ng katawan natin sa pagpasok nito sa loob ng ating mga kalamnan.
Dalawa ang pangunahing pangharang: ang kontra-COVID na sangkap ng ating katawan makaraan tayong magkasakit at ang dala ng mga bakunang kontra-COVID.
Dahil magaling sa pag-iwas sa mga harang sa pagpasok nito sa ating mga katawan, kahapon lamang, may nagpositibo na 3,484 kaya namang may aktibong mga kaso na umaabot sa 38,982.
400-1,000 LANG ANG NAMAMATAY SA US
Sa United States, ang BA.5 din ang nangunguna sa lahat ng virus na dumadale sa mga Kano at siyempre pa, nadadamay rin ang mga Pinoy na may bilang na nasa apat milyon doon.
Hulyo pa lang, naungusan na ng BA.5 ang BA.2 bilang nangungunang virus na ikinasasakit at ikinamamatay ng mga nasa US at 87 porsyento na ito sa lahat ng mga virus na natatagpuan doon.
Ayon sa virusncov.com at batay sa kalendaryo ng mga Kano, noong Agosto 9, 2022, may namatay na 472 at may sumuod na 431 kinabukasan.
Noong Agosto 11, may namatay ring 1,114 at sumunod dito ang 591 kinabukasan habang sa ikatlong araw o Agosto 13, 805 rin ang nadale.
MATUTUWA BA TAYO?
Op kors, mga Bro, medyo matutuwa tayo sa ulat ng DOH dahil daan-daan lang ang naoospital at daan-daan din ang gumagaling.
Pero, kahit kokonti ang nasasawi, nalulungkot din tayo dahil may kamatayang nagaganap.
At dito sa mga namamatay tayo dapat malungkot dahil anong malay natin kung madadale ang mahal kong Pinas ng daan-daan o libong patay araw-araw gaya sa Tate?
Sa totoo lang, malaking kabawasan sa ating katuwaan sa tagumpay nating lahat sa pakikibaka sa pandemya.
SERYOSOHIN SA FACE-TO-FACE CLASSES
Alam ba ninyo kung bakit hindi lubos ang kasiyahan mismo ng ULTIMATUM sa kakaunti lang na nagkakasakit at nasasawi sa COVID-19 sa atin ngayon?
Mabilis nang dumarating ang pagpasok ng mga bata sa iskul at halos 20 milyon silang nasa ilalim lamang ng Department of Education.
Ano nga kaya ang mangyayari sa mga bata mula sa kinder hanggang sa senior high school?
Maganda ang paghahanda ng lahat ng ahensya ng pamahalaan, pangunahin ang DepEd sa ilalim ni Vice President Inday Sara.
Kabilang dito ang kautusang hangga’t maaari, bakunado lahat ang mga guro at empleyado ng mga eskwela, istriktong pagsusuot ng face mask, social distancing at iba pang health protocol.
Pero paano ang BA.5, kasama ang BA.4, na parehong nakamamatay at mabilis na nagpapakalat ng pandemya?
Eh, karamihan pa naman sa mga nasabing mag-aaral ang hindi bakunado na tiyak na madaling madale ng COVID-19.
Ano ang nangangamoy – LTO, LGU, MMDA O NCAP?

August 17, 2022 @6:21 PM
Views:
43
MARAMING salamat sa Land Transportation Office dahil hindi na nito ia-alarma ang mga sasakyan na may unpaid No Contact Apprehension Program sa LGU. Ibig sabihin kung ang sasakyan mo ay for renewal ng registration, ipo-process ito ng LTO kahit may NCAP violation.
Malaking ginhawa ito sa operators at registered owners. Tama naman ang LTO dahil kasi noong panahon ni AASEC Edgar Galvante ay hinostage ang renewal ng rehistro dahil sa NCAP.
Salamat Asec Guadiz at hindi mo itinuloy ang kapalpakan ng pinalitan mo sa LTO.
Ano ngayon ang nangyayari sa LGU? Sabi ng Quezon City tuloy pa rin daw ang panghuhuli ng NCAP nila. O sige, ang tanong – may sarili ba kayong data ng mga registered-owners ng mga sasakyan? Di ba umaasa lang kayo sa LTO? Paano ny’o malalaman kung sino ang registered owner para ipadala ang notice of violation n’yo?
Paano kung hindi mag-cooperate ang LTO sa pag-verify ng registered owner? Makukunan ba ng camera ng private contractor nyo yung mukha ng owner o driver?
LGUs at private provider – matagal nyo napakinabangan ang data base ng LTO pero hindi kabahagi ang LTO sa inyong hatian sa kita galing sa multa pero nababawasan naman ang koleksyon ng LTO na sana nakukuha nila sa car registration. Bakit ngayon na nanawagan ang LTO na i-suspend muna at pag-aralan ay ayaw ninyo? May balak ba kayo na isama ang LTO sa hatian?
At ang Lawyers for Commuters Safety and Protection ay tutol sa ginawa ni Galvante na nagka-access ang isang NCAP private provider sa data ng LTO sa mga registered owners ng mga sasakyan. Ginastusan ng milyun-milyon ng pamahalaan ang data ng LTO tapos ganun kadali nila makukuha? Wala ba silang nilabag sa Data Privacy Act ? Bakit ang NCAP ng MMDA ay walang reklamo? Dahil patas ang implementasyon.
Resonable ang multa at hindi libu-libo. Bakit resonable dahil pag-aari ng MMDA ang NCAP technology na ginagamit nila. Hindi katulad sa LGUs na may negosyanteng kapartner. Natural gusto nila kumita! Kaya mataas ang multa.
Magkano ba ang magagastos ng LGU kung sariling NCAP ang paiiralin nila. Bilyon ba? Natanong ba ng LGUs sa private providers ang halaga ng puhunan nila sa mga camera at system ? Bakit may parte na nga ang private provider ay may babayaran pa umano na system charge ang mga motorista OVER AND ABOVE NG MULTA? Di ba’t kahati ka na nga ng private provider?
At saang “funds” napupunta ang multa? Di ba dapat sa kaban ng LGU muna mapunta ang multa at saka ibigay sa private contractor? May special funds ba dito?
Dapat suriin ng Commission on Audit ang bagay na ito.
Lahat tayo ay para sa disiplina sa lansangan – pero sa tamang paraan. Ang NCAP ng MMDA ay pwede gawing modelo ng mga LGUs. Kaya’t habang tumatagal ang usapin ng NCAP ay mas maraming katanungan ang dapat sagutin.
Bakit hindi nakita ang mga problemang ito at minadali ang implementasyon. Hindi nakita pero baka may naaamoy.
NALASING SA KAPANGYARIHAN

August 17, 2022 @6:19 PM
Views:
43
INABOT ng mahabang panahon na natalaga sa ‘juicy position’ ang isang dating opisyal ng Manila Police District kaya naman nagawa niyang paikutin ang kanyang amo na naging sunud-sunuran sa kanyang mga ibinubulong.
Natalaga na sa ibang lugar ang kanyang amo at syempre, isinama siya kaya naman ang mga commissioned at non-commissioned officers na kanyang inapakan at inilagay sa balag ng alanganin, kaya laging napapahiya sa kanyang boss, ay lubhang natuwa at halos mapatalon sa sobrang kagalakan.
Maraming iligal na naging bread and butter ng opisyal na ito, mula sugal tulad ng jueteng gamit ang Small Town Lottery at Perya ng Bayan, patay, transfer ng tao at pagtatalaga ng opisyal na hawak niya sa magagandang pwesto na ang tara o lingguhang tinatanggap ay kahati siya.
May mga kaklase rin ang opisyal na ito na galit sa kanya dahil winalanghiya niya kasi may pagkakataon na inilalaglag niya sa “boss” para lang maipuwesto niya ang gusto niyang ipwesto na bata niya, siyempre, para sa lingguhang pakinabang o payola.
Ang isa pang masaklap, kapag may lumalapit sa kanyang pulis na gustong magpalipat ng station o unit ay tinatarahan niya ng malaking halaga o kaya naman ay nagpapabili siya ng asong may breed tulad ng American Bully.
Ngayong wala na siya, na-assign na sa region sa Visayas, pinupukpok niya ang mga tauhan niyang ibinaon o iniwan sa mga section o unit para mangolekta at hindi sila mawalan ng koneksyon at koleksyon.
Nakakatawa na wala na ang opisyal na ito sa MPD subalit nagawa pa niyang kwestiyunin ang isang opisyal na nagpapalabas ng order sa pwestuhan ng tao. Galing ha? Baka akala niya, siya pa rin ang ‘bagman’ at ‘sulsultant’ sa MPD.
Buking na at bukas na ang mata ng mga bagong opisyal na dumating sa MPD sa kawalanghiyaan ng opisyal na ito kaya naman ang mga recommendation niya ay pawang tablado.
Mukhang tinamaan na ng karma ang opisyal na ito dahil wala nang naniniwala sa kanya. Tila inaani na niya ang mga kawalanghiyaan niyang ginawa sa kanyang kapwa.
Iyan kasi ang mahirap sa taong nalasing sa isang basong tubig o opisyal na sobrang bilib sa sarili dahil sa hawak na kapangyarihan o pwesto.
MURANG BILIHIN SA ALBAY DINARAYO NG TURISTA

August 17, 2022 @6:17 PM
Views:
43
KUNG may isang lugar sa bansa na tinatangkilik ng local at foreign tourists dahil sa murang presyo ng pangunahing bilihin,ito ay ang lalawigan ng Albay sa Bicol kung saan matatagpuan ang tanyag na Mayon Volcano.
Sa pag-ikot natin sa lalawigan,hindi lang ito binibisita ng mga turista upang masilayan ang kagandahan ng bulkang Mayon sa halip ay pumupunta sila rito dahil sa mababang presyo ng mga pagkain sa restaurant na sadyang patok sa panlasa nila lalo na ang pamosong pinangat at laing na itinuturing na trademark ng Kabikolan.
Maging ang mga gulay na matatagpuan sa malamig na Trinidad Valley ng Benguet tulad ng kamatis,repolyo,carrots,sayote ay makikita na rin sa plantasyon ng maliliit na magsasaka sa paanan ng Mayon Volcano lalo na sa gilid ng Mayon Skyline kung saan madalas na dinarayo ng mga turista kaya naman ordinaryong tanawin na lang ang maliliit na tindahan sa mga kalsadang nagbebenta ng murang saging,kamote,papaya at iba pang saksakan ang kamahalan sa ibang lugar sa bansa.
Mabibili rin ang mababang presyo ng iba’t-ibang klase ng isda sa kubo-kubong tindahang halos doble ang halaga sa mga karatig na lalawigang umaaray na ang mamamayan sa gitna ng krisis sa pagkain na kinakaharap ngayon ng bansa.
Bagama’t suliranin din ng mga magsasaka rito ang bagsakan ng kanilang produkto kapag nagsabay-sabay ang ani nilang kadalasan ay binabarat na lang ng mga umaangkat subalit malaking ginhawa pa rin sa mga tagarito ang napakamurang presyo nito.
Inaasahang hindi mararamdaman ng small growers ang problema ng kanilang kapwa magsasaka sa ibang probinsya lalo na’t todo suporta ngayon ang lokal na pamahalaan ng Albay sa kanila sa pamamagitan ng tulong teknikal at libreng abono’t binhi na ipinamamahagi sa mga ito.
Ito’y alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kung saan nakasentro ang programa sa pagpapalakas ng agrikultura sa bansa bilang tanging solusyon upang matugunan ang krisis sa pagkain.
‘Yun nga lang at hindi lahat ng LGUs ay prayoridad na pagtuunan ang suporta ng mga nasasakupan nitong magsasaka na itinuturing pa rin na food producers ng bansang magtutuldok sa kakulangan ng pagkain ng sambayanan.
Anomang puna o reaksyon itex sa 09999388537/email [email protected]
PINOY NA SANTO PAPA?

August 17, 2022 @6:15 PM
Views:
28