‘Unique’ PhilSys number ipalalabas ng PSA sa Q1 2023

‘Unique’ PhilSys number ipalalabas ng PSA sa Q1 2023

November 24, 2022 @ 2:00 PM 3 days ago


MANILA, Philippines- Tinitingnan ng Philippine Statistics Authority (PSA)  na makapagpalabas ng unique Philippine Identification System (PhilSys) number  sa lahat ng  registrants sa unang  quarter ng  2023.

Sinabi ni PhilSys registration officer-in-charge Engineer Fred Sollesta, may  71.1 milyong  Filipino na ang nakapagrehistro  para sa national ID,  mayroong  25 milyong physical cards  ang naipalabas na.

Nag-iwan ito sa ahensiya ng  may  50 milyong  physical cards sa backlog, subalit tinutugunan naman ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga registrants  ng  ePhilID (electronic Philippine ID),  isang printed digital ID na may  security features.

“With the ePhilID, “registered persons can immediately utilize the benefits of PhilSys, such as faster and seamless transactions in accessing financial and social protection services,” ayon sa website nito.

Sinabi ni Sollesta na nakapagpalabas na sila ng  3.6 milyong ePhilIDs sa kabila ng nakabinbin ang pagpapalabas ng  physical national ID.

Target nito na makapag-generate ng may kabuuang 20 milyon sa susunod na buwan,  na naglalayong gawin itong downloadable.

“[It] has the same functionality sa ating physical card na piniprint… may mga security features din siya,” ani Sollesta.

“Dinagdagan namin ang features ng ePhilID, may photo siya sa loob ng QR code, hindi dapat mag-worry ang ating mga kababayan dahil secured na secured ang ating ePhilID,” dagdag na wika nito.

At sa tanong kung bakit nahaharap sa backlogs gayong nagsimula ang pre-registration noong 2020, sinabi ng opisyal na ang sistema ay  “choked” ng milyong registrants.

“Supposedly ang target lang ng PSA is around 20 to 25 million eh pero mandate ng administration during the time, ni [former] Presidente Duterte, na by the end of his term dapat 70 million ang nireregister,”  anito.

“Ngayon, in a way, masasabi natin na nabubulunan ‘yung system natin kasi naka-set up na ‘yung ating IT infrastructure including ‘yung card-printing facility so pero ngayon humahabol kami kasi mas malaki ang production sa BSP side,” dagdag na wika nito.

“By first quarter of 2023, we are certain we can wipe out that backlog na lahat ng nagaprehistro ay may unique PhilSys number na, pwede natin unahin as an option sa ating mga kababayan… to issue the e-Phil ID and ultimately we can issue the physical card.”

Sinabi ni Sollesta noong nakaraang buwan na, “Philippine national ID will also soon be available for download on mobile phones as the public wait for the delivery of their physical ID.” Kris Jose