UNITEAM AGAD NAKAHANDA SA BAGYONG AGATON

UNITEAM AGAD NAKAHANDA SA BAGYONG AGATON

April 19, 2022 @ 2:11 PM 2 months ago


IBANG klase talaga itong si presidential frontruneer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. hindi pa man ay nakahanda na agad ang relief operations team ng UniTeam para sa madaliang paghahatid ng tulong sa mga mabibiktima ng bagyong si Agaton sa Viasayas at Mindanao.

Ang balita na nakarating sa kampo ng UniTeam, halos may 38,399 na ang pamiliyang apektado sa 106 iba’t ibang barangay sa Region 10, 11, Caraga at BARMM sa Muslim Mindanao.

Naghanda rin ang UniTeam’s legal team ng mga dokumento para humiling na mapagbigyan sila ng Commission on Election(COMELEC) na magkaroon ng relief mission at masigurong hindi sila lumalabag sa mga probisyon ng Ominbus Electio Law.

May isang nasawi  sa Davao Region dahil sa naging matinding pagbaha at malakas na pag-ulan dala ni Agaton  sa Visayas at Mindanao at isang tao rin ang napabalitang nawawala sa Region 11.

Ayon kay Marcos na gustuhin man niya na agad na magpadala ng relief goods sa mga apektadong lugar ay hindi puwede sapagkata kailangan niyang sumunod sa batas ukol sa halalan.

Pinaalalahanan pa ni Marcos ang mga nabiktima ng bagyong si Agaton na huwag mag-alala dahil darating ang grupo niya para agad na magpaabot ng tulong sa lahat ng mga apektadong mga kababayan natin.

PASUGALANG PERYA, UNTOUCHBALE PA RIN

Ano ba itong iligal sa Buan, Sta Teresita, Aliagtag, Rosario sa Batangas? Kumpol-kumpol ang peryahan ni Aling Tessie pero ang nakapagtataka, bakit hindi po kumikilos si Batangas Police chief PLt. Julius Anonuevo?

Bakit, Col. Anunuevo, ano ba meron diyan? Sagot!

Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]