UniTeam grand rally matagumpay

UniTeam grand rally matagumpay

April 24, 2022 @ 12:01 PM 2 months ago


 

MANILA- MATAGUMPAY ang isinagawang Grand Rally ng BBM-SARA Uniteam na dinaluhan ng libo-libong supporters Sabado sa Sampaloc, Maynila.

Halos hindi magkamayaw sa tuwa ang mga supporters ng humarap sa kanila sina presidential candidate Bongbong Marcos at Vice presidential candidate Sara Duterte.

Nagagalak na pinakilala ni Manila mayoral candidate Atty. Alex Lopez si Senador Bongbong Marcos. Ipinahayag ni Lopez na iisa ang kanilang layunin ng BBM-Sara Uniteam – ang mapaigting ang pagsugpo sa problema sa kahirapan ng bansa.

Nagpapasalamat si Mayor Inday Sara kay Atty. Alex Lopez at sa kanyang mga kasama dahil naging posible ang Grand Rally sa Manila.
Ipinakita ng kaganapang ito ang pagkakaisa para sa ating Inang Bayan! At pinatunayan ng naturang Grand Rally ang mga naglabasang surveys kung saan nangunguna sina BBM, Sara, Atty. Alex, at Raymond para sa darating na May 9 polls.

Nagtapos ang makasaysayang programa ng pagtataas ng kamay nina BBM at Sara sa mga tumatakbong kandidato ng Maynila na pinangungunahan ni Atty. Lopez at Raymond Bagatsing. “Solid ang Maynila sa tambalang UniTeam sa Maynila,” wika ni Marcos, Jr. RNT