Marcos sa pagbasura sa petisyon vs drug war probe: ‘That ends our involvement with the ICC’

March 28, 2023 @4:24 PM
Views: 5
MANILA, Philippines- Walang susunod na hakbang ang Philippine government matapos ibasura ng International Criminal Court, sa Appeals Chamber nito, ang petisyon na suspendihin ang imbestigasyon sa drug war sa bansa, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Martes.
“We don’t have next move. That’s the extent of our involvement with the ICC. That ends our involvement with the ICC,” giit ni Marcos.
“The appeal has failed. In our view, there’s nothing more that we can do… At this point we are essentially disengaging from any contact, communication with the ICC.”
Binigyang-diin ni Marcos na wala nang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at ICC, at nanindigan sa posisyon ng pamahalaan na hindi ito makikipagtulungan sa international body.
“We ended up in the same position that we started with and that is we cannot cooperate with the ICC considering the very serious questions about their jurisdiction and about what we consider to be interference and practically attacks on the sovereignty of the Republic,” aniya.
“So that pretty much it, we have no longer any recourse when it comes to the ICC.”
Kumalas ang Pilipinas mula sa Rome Statute, na nagtatag sa ICC, noong March 2019, sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. RNT/SA
Remulla: Teves ‘pugante’ na

March 28, 2023 @4:12 PM
Views: 14
MANILA, Philippines- Itinuturing na ng Department of Justice na isang pugante si Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. kahit wala pang iniisyu na warrant of arrest ang korte.
Ito ang tugon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa pahayag ng abugado ni Teves na hindi masasabing pugante sa batas ang kaniyang kliyente dahil wala pa inilalabas na arrest order laban kay Teves.
Ayon kay Remulla, ang isang suspek sa krimen na nagtatago ay maituturing na pugante.
Malinaw aniya na ang patuloy na hindi pagharap ni Teves sa mga akusasyon laban sa kaniya ay pag iwas sa batas.
Ipinaliwanag ni Remulla na wala pang inilalabas na arrest order laban kay Teves dahil sa sinusunod na due process.
Iginagalang aniya ng DOJ ang batas sa due process kahit nagmimistulang mabagal ang usad ng kaso.
Sinabi tin ng kalihim na hindi basta maaaresto ang isang suspek dahil kailangan ibigay rito ang karapatan na idepensanang sarili sa korte. Teresa Tavares
Ruling ng ICC chamber, ‘indictment’ sa PH judicial system – SolGen

March 28, 2023 @4:00 PM
Views: 28
MANILA, Philippines- Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na ang ginawang pagtanggi o pagbasura ng International Criminal Court (ICC) Appeals Chamber sa apela ng gobyerno ng Pilipinas na isuspinde ang imbestigasyon sa drug war ng administrasyong Duterte ay pahiwatig o pagpapakita na ang judicial system sa bansa ay masama.
Sinabi ni Guevara, na magkakaroon ng “serious and far-reaching consequences” ang nasabing ruling sa Pilipinas.
“It places us in the same class of rogue nations where the rule of law is not respected,” ang sinabi ni Guevarra sa isang panayam bilang reaksyon sa naging desisyon ng ICC Appeals Chamber.
“It is an indictment against our entire legal and judicial system, and it encroaches on our sovereignty as an independent and law-abiding nation,” dagdag na pahayag nito.
“It tends to humiliate us in the eyes of the international community, and this affront is irreversible and incorrectible even if we eventually win on the merits of our appeal,” aniya pa rin.
Dahil dito, sinabi ni Guevarra na ang Pilipinas ay hindi “legally at morally bound” para makipagtulungan sa ICC.
Sa pagtaggi sa apela ng Pilipinas, sinabi ng ICC Appeals Chamber na nabigo ang gobyerno na ipaliwanag ang “lack of jurisdiction” ng korte o nabigong magbigay ng paliwanag ukol sa implikasyon at saklaw ng imbestigasyon.
Tinukoy din nito na ang local investigation ay maaaring magpatuloy kahit pa nagpapatuloy ang ICC investigation.
Nauna rito, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi maaaring pumasok ang ICC sa Pilipinas para imbestigahan ang war on drugs at magpatupad ng ibang rule of law.
Tinuligsa rin ng Kalihim ang desisyon ng ICC na muling buksan ang imbestigasyon sa United Nations Human Rights Council, sabay sabing “unjustified external interference rarely serves human rights.” Kris Jose
Russia naglunsad ng supersonic anti-ship missile sa Sea of Japan

March 28, 2023 @3:48 PM
Views: 18
MANILA, Philippines- Nagpakawala ang Russia navy ng supersonic anti-ship missiles sa isang mock target sa Sea of Japan, ayon sa Russian defense ministry nitong Martes.
“In the waters of the Sea of Japan, missile ships of the Pacific Fleet fired Moskit cruise missiles at a mock enemy sea target,” pahayag nito sa Telegram account.
“The target, located at a distance of about 100 kilometers (62.14 miles), was successfully hit by a direct hit from two Moskit cruise missiles.”
Ang P-270 Moskit missile, na may NATO reporting name o SS-N-22 Sunburn, ay isang medium-range supersonic cruise missile mula sa Soviet, na kayang sumira ng barko na may layo hanggang 120 km (75 miles).
Ito ay kasunod ng paglipad ng dalawang Russian strategic bomber planes, kayang kumarga ng nuclear weapons, sa Sea of Japan sa loob ng mahigit pitong oras na ayon sa Moscow ay isang “planned flight”. RNT/SA
British national, 3 kasama huli sa parking lot ng mall

March 28, 2023 @3:43 PM
Views: 23