‘Unity’ panawagan ni PBBM sa 2023

‘Unity’ panawagan ni PBBM sa 2023

January 1, 2023 @ 8:39 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Filipino na manatiling matatag at nagkakaisa sa pagsisimula sa taong 2023 sa gitna ng mga hamon sa ekonomiya at habang patuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo.

“As we look forward to a fruitful and hopeful New Year, let us remain steadfast and united as ever as we ask for the Almighty’s continued guidance in our journey toward a better, brighter, and more prosperous future for our nation,” ayon sa New Year’s message ng Pangulo.

Ang “Bayanihan Spirit” ng mga Filipino aniya ay makatutulong para malampasan ang isang hamon matapos ang isa pang hamon.

“As we reflect on the events that transpired in the previous year, I hope that we will draw strength ond inspiration from what truly binds us together—our genuine love for our fellow Filipinos and our country,” ang wika ng Pangulo.

Ang Inflation aniya ay mabilis na pumalo sa 8.8% noong nakaraang Nobyembre, may ilang Filipino ang mas pinili na maghigpit ng sinturon at talikuran ang tradisyon sa kabila ng lumuluwag na pandemic restrictions.

Samantala, may Ilan naman aniyang lalawigan ang nakabawi at nakabangon na mula sa shearline-spurred rainfall noong araw ng Pasko. Kris Jose