Unity walk isinagawa ng mga halal na opisyal sa Rizal

Unity walk isinagawa ng mga halal na opisyal sa Rizal

July 6, 2022 @ 11:55 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Bilang pagpapakita ng pagkakaisa matapos ang eleksyon, isang unity walk ang isinagawa ng mga halal na opisyal sa Rodriguez Rizal sa pangunguna nina reelected Rizal Rep Fidel Nograles at Mayor-elect na si dating Ret Lt. gen Ronnie Evangelista.

Nasa 10,000 residente ang nakilahok sa unity walk na isinagawa matapos ang pinakaunang Flag ceremony ng mga bagong opisyal ng bayan.

Sa nasabing pagtitipon, isang kasunduan na tinawag nilang Economic Partnership Agreement ang nilagdaan sa pagitan nina Nograles at Evangelista, ang kasunduan ay nakatuon sa pagpapalakas sa ekonomiya,kalusugan, kabuhayan,kalakaran at teknolohiya bilang pagbangon muli matapos ang naging hagupit ng COVID 19 pandemic.

Nakapaloob sa ginawang kasunduan ang pagtatatag ng kanilang bersyon ng Inter Agency Task Force (IATF) na binubuo ng mga opisyal mula sa National government, LGU, at ibat ibang sangay at ahensiya ng pamahalaan upang makipag ugnayan at magtulungan sa paggawa ng Development Plan para sa Montalban na magsisilbing panuntunan sa pagpapatupad ng mga programa at plataporma para sa pagbangon ng lalawigan mula sa pandemya.

Ayon kay Nograles kung sa Kongreso ay mayroon panukalang Bangon Bayan Muli( BBM) sa Montalban naman ay Bangon Bagong Montalaban(BBM), aniya, tapos na ang eleksyon at panahon nang magkaisa para sa kaunlaran ng bayan ng Montalban.

“nandito kami upang manawagan ng pagkakaisa, tapos na ang eleksyon tapos na ang pamumulitika, dalawang buwan na ang nakalipas , naghilom na ang sugat at may bago nang kabanata. Lahat po tayo ay magtutulungan para sa ikauunlad ng ating bayan, inaanyayahan ko kayong lahat na sumuporta at tulungan ang ating mayor at ako bilang kinatawan ng ating distrito sa mga plano para sa ating bayan”pahayag ni Nograles.

Aminado si Nograles na bugbog ang Montalban nitong pandemya, una dito ay maraming nawalan ng trabaho , nagsarang mga negosyo at wala ayuda kaya naman ito ang syang sosolusyunan sa pamamagtan ng binuong kasunduan na magsisilbing plano at simbolo ng pagbabago sa bayan ng Montalban. RNT