Unli-basura sa Manila Bay!

Unli-basura sa Manila Bay!

September 20, 2022 @ 12:55 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kahit katatapos pa lang ng isinagawang International Coastal Clean Up Drive tila unlimited ang basura na inanod sa Manila Bay!

Isang patunay ng kasabihang “sng basurang itinapon mo ay babalik sa iyo.”

Bagaman araw-araw nililinis ng mga tauhan ng Manila DPS, MMDA, DENR ay tone-toneladang basura pa rin ang inaanod sa sikat na dalampasigan.

Sinasabing ang mga ito ay nagmula sa probinsya Cavite, Batangas at iba pang karatig-bayan.

Dismayado naman ang mga namamasayal dahil sa pangit na tanawin dulot ng mga basura. Crismon Heramis