‘Unli kamote’ solusyon ni Garin sa mahal na bigas

‘Unli kamote’ solusyon ni Garin sa mahal na bigas

October 26, 2022 @ 10:54 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kasabay ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin kabilang na ang presyo ng bigas, may suhestyon si Iloilo Representative Janette Garin para rito.

Ito ay ang “unli kamote”.

Ani Garin, maaaring maipampalit sa kanin ang kamote at maaari din itong gamitin sa iba’t ibang putahe tulad ng garlic kamote, yang chow kamote, sushie kamote, paella at iba pa.

“One way of doing this is to increase production and make the necessary investment in root crops in terms of agricultural research, food technology, or marketing,” pahayag ni Garin nitong Martes, Oktubre 25.

“Our love for rice has given birth to the famous ‘extra rice’ and ‘unli rice’ cultures, we encourage restaurants to try using kamote in place of rice and even French fries. What we need today are innovations in the kitchen,” dagdag pa niya.

Kabilang sa dahilan ng suhestyong ito ng mambabatas ay ang posibilidad ng kakulangan sa suplay ng bigas sa susunod na taon na pinalala pa ng matinding pinsala dulot ng Super Typhoon Karding.

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Garin na hindi nangnagahulugan na tuluyan nang hindi kakain ng kanin ang mga Filipino kundi isama lamang ang kamote na bahagi ng diet at kabuuang nutrisyon ng mga tao.

Ang Japan, South Korea at United States ay ginamit na rin ang sweet potatoes o kamote bilang “superfood” dahil din sa taglay nitong sustansya.

“Now that we have a problem with rice supply and high consumption of rice is linked with Type 2 diabetes, it’s about time that we watch our diets and avoid eating too much rice,” pagtatapos ni Garin. RNT/JGC