Unli-oil price hike sa ikawalong linggo

Unli-oil price hike sa ikawalong linggo

February 20, 2022 @ 4:10 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Inaasahang magtataas muli ang presyo ng mga produktong petrolyo na ipatutupad ng mga kompanya ng langis ngayong pagpasok ng linggo.

Ito na ang ika-walong sunod na linggong oil price hike na ipatutupad ngayong taon 2022 kung saan nasa dagdag na P0.80 hanggang P1.00 sa kada litro ng gasolina, P0.50 – P0.60 sa kada litro ng diesel, at P0.40 – P0.50 sa kada litro naman ng kerosene.

Batay sa datos, aabot na sa P7.95 sa kada litro ng gasolina at P10.20 sa kada litro ng diesel ang itinaas ngayong taon 2022.

Karaniwang nag-aanunsyo ng price adjustments ang mga kompanya ng langis tuwing Lunes para ipatupad sa susunod na araw. JAY Reyes