‘Unlicensed sellers’ ng COVID-19 test kits iniimbestigahan ng DTI

‘Unlicensed sellers’ ng COVID-19 test kits iniimbestigahan ng DTI

January 17, 2022 @ 6:36 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng Department of Trade and Industry nitong Lunes na iniimbestigahan na nito ang mga hindi lisensyadong nagbebenta at resellers ng coronavirus disease (COVID-19) test kits lalo na ang mga nagbebenta online.

Tumaas ang benta ng antigen at rapid test home test kits sa gitna ng paglobo ng kaso ng virus na iniuugnay sa omicron variant. 

Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na pinangungunahan ng Consumer Protection Group office ng DTI ang imbestigasyon.

Kinakailangang kumuha ng mga nagbebenta ng home test kits ng license to distribute (LTD), at license to operate (LTO) mula sa Food and Drug Administration, ayon kay Castelo.

“We’re on it especially online. A lot of them do not have the LTO/LTD,” aniya. RNT/SA