‘Unopposed bets’ isa sa mga dahilan ng mababang voter registration sa Sulu – Comelec exec

‘Unopposed bets’ isa sa mga dahilan ng mababang voter registration sa Sulu – Comelec exec

January 23, 2023 @ 9:20 AM 4 days ago


PATIKUL, Sulu, Philippines- Isa sa mga dahilan ng mababang voter registration para sa barangay and Sangguniang Kabataan elections sa Sulu ang tipikal na sitwasyon dito— unopposed candidates, ayon kay provincial election supervisor, Vidzfar Julie.

Sa kasalukuyan ay nakatanggap pa lamang ang Commission on Elections (Comelec) sa Sulu ng halos 12,000 aplikasyon para sa registration mula sa 19 bayan sa lalawigan, ani Julie sa chance interview nitong Linggo.

“As of now, the result of registration is still slow,” pahayag ni Julie.

“In Sulu, we know that all the municipal and provincial candidates are running unopposed. So that’s one reason why the turnout for registration is low. The local leaders and local politicians have no opponents during elections,” dagdag niya.

Inihayag pa ni Julie na mayroong halos 434,000 registered regular voters at 173,000 voters para sa youth council polls.

Itinakda ang deadline para sa registration sa Jan. 31.

Nitong weekend, nagtungo sina Comelec Chairman George Erwin Garcia, Commissioner Nelson Celis, at iba pang top officials ngpoll body sa Tawi-Tawi at Sulu para i-monitor ang voter registration situation. RNT/SA