Unpaid rental ng Senado sa SSS, pinababayaran ng COA

Unpaid rental ng Senado sa SSS, pinababayaran ng COA

December 9, 2022 @ 10:28 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Commission on Audit sa Senado na bayaran na nito ang rate differential fee na utang nito sa Social Security System (SSS) na nagkakahalaga ng nasa P325,000.

Ang naturang halaga ay para sa renta nito sa 15,000 square meter na lupa sa Pasay City mula Mayo hanggang Disyembre 2014.

Sa desisyon na inilabas noong Enero, sinabi ng COA na “meritorious” ang money claim na inihain ng SSS.

Kapwa pumayag umano ang dalawang partido sa mas mataas na rental rate sa nabanggit na mga buwan na inaprubahan din ng Social Security Commission.

“The Senate acknowledged its obligation to pay the rental rate differential of ₱325,200. In fact the only reason why the Senate had not paid the differential was because it was considered as prior year’s unbooked obligation of the agency,” anang COA. RNT/JGC