“Unprofessional,” FDCP Chair Liza Diño, pinuna ng mga netizen sa pagsusuot ng face mask sa meeting

“Unprofessional,” FDCP Chair Liza Diño, pinuna ng mga netizen sa pagsusuot ng face mask sa meeting

July 6, 2018 @ 7:49 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Pinuna ng mga netizens ang pagsusuot ng face mask ni Development Council of the Philippines Chairman Liza Diño sa kasagsagan ng meeting.

Pinost ito ni Liza sa kaniyang social media account ang isang litrato kung saan makikita siyang nakasuot ng facemask habang nakaupo at nakataas pa ang mga paa.

Sa kaniyang caption, sinabi niya na siya ay nag-mumulti-tasking bago pa man matapos ang huling agenda at saka tinag ang kaniyang kasama sa litrato.

“”Multitasking” while discussing the last agenda of the day. Si Jo Andrew, hindi makatingin. hehehe,” sabi ni Liza sa caption.

"Multitasking" while discussing the last agenda of the day. Si Jo Andrew, hindi makatingin. hehehe.👻 #PPP2018

Posted by Liza Diño-Seguerra on Monday, July 2, 2018

 

Hindi naman ito ikinatuwa ng netizen na si  Mia Magdalena at saka siya nag-tweet ng screen grab ng litrato ni Liza at tinawag pa ginawa nitong, “unprofessional.”

“Ganito magpameeting si madam. She says it’s multitasking. I call it unprofessional,” sabi ni @MiaMagdalena sa twitter.

Dinepensahan naman ng isang twitter user si Liza at sinabing ginawa lang ito ni Liza “to humor the staff” habang nagtratrabaho sila ng alas-2 ng madaling araw.

Nag-comment rin si Liza sa netizen at sinabing, “This was a staged photo posted on my PERSONAL page. Dear, you might want to check first before making assumptions.”

Hindi naman tinanggap ng netizen ang kaniyang paliwanag at sinabi pang, “Hello, Ms. Diño. You were working. You were goofing off. You posted it Publicly. You are head of the FDCP. You work for us, the People. There are those of us not impressed by this particular stunt. These thoughts are based on the photos and captions.”

Maging si Senator Ping Lacson ay nakisali sa diskuyunan ng dalawa at nag-tweet na, “Baka multimasking din. Mukhang makapal.”

Patuloy naman na hinihingan ng pahayag si Liza sa insidenteng nangyari. (Remate New Team)