Unreported bullying cases sa mga paaralan ikinabahala ni Gatchalian

Unreported bullying cases sa mga paaralan ikinabahala ni Gatchalian

February 13, 2023 @ 5:07 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ikinabahala ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga hindi naiuulat na kaso ng bullying sa mga paaralan.

Ito ay kasunod ng napansin niyang pagkakaiba sa datos mula sa Department of Education at ibang mga pag-aaral at ulat.

Sa pagdinig ng Senado, iniulat ni DepEd Assistant Secretary Dexter Galban ang mga sumusunod na numero kaugnay sa kaso ng bullying sa mga paaralan:

2014-2015: 5,624
2015-2016: 7,221
2016-2017: 8,750
2017-2018: 15,866
2018-2019: 21,521
2019-2020: 11,637

Ani Galban, itinuturong dahilan sa pagbaba sa kaso ng bullying mula 2018-2019 sa 2019-2020 ay dahil sa paglipat sa online classes dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa datos na ibinigay, sinabi ni Galban na nahihiwalay ang datos batay sa mga sumusunod na klasipikasyon:

Physical bullying: 56.79%
Social bullying: 25.43%
Gender-based/biased: 5.92%
Cyberbullying: 6.03%
Retaliation: 5.83%

Samantala, hirap namang paniwalaan ni Gatchalian ang datos dahil sa pag-aaral ng Southeast Asia Primary Learning Metrics (SEA-PLM), lumalabas na 63% ng mga estudyante sa Grade 5 ay nakaranas ng bullying — pinakamataas sa rehiyon.

Iprinisenta niya rin ang pag-aaral ng
Programme for International Student Assessment (PISA) na nag-ulat na 40% ng mga estudyanteng Filipino ay madalas binubully.

Tugma rin ito sa numero ng World Health Organization (WHO) na nagpapakitang 40.6% ng mga bata edad 13 hanggang 17 ay nakaranas ng iba’t ibang uri ng bullying.

“This is quite worrisome and concerning because the percentage showed that six out of ten students have experienced some form of bullying,” ani Gatchalian.

“If you look at your numbers, ang layo… So if you talk about converting that to student population, you’re talking about 10 million to 12 million students as supposed to 11,000,” dagdag niya.

Dahil dito, iginiit ni Gatchalian na maraming kaso ng bullying ang hindi naiulat.

“Ang conclusion ko dyan is maraming unreported,” aniya.

Sinabi ni Gatchalian na sa large-scale examinations, nagsasabi ang mga estudyante ng totoo dahil alam nilang hindi ang paaralan o mga konektado rito, ang magpoproseso ng kanilang mga sagot.

“There is fear na baka malaman ng na[m]bu-bully kung sino sila. So my analysis is there is a huge issue of cases being unreported, and that is a problem because if it is unreported, then how do we solve the problem? How do we help them?” tanong pa ng senador.

“There’s also notable difficulty in being able to monitor the number of bullying cases, moreso in the lack of registered guidance counselors that are available to the schools… Because all of the responsibility in terms of addressing such issues fall within the shoulders of our teachers who are already overloaded,” paliwanag naman ni Galban. RNT/JGC