‘Unused’ COVID funds ibabalik ng DILG

‘Unused’ COVID funds ibabalik ng DILG

July 5, 2022 @ 10:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ibabalik ng  Department of the Interior and Local Government  ang “unused funds” na inilaan  para sa pag-hire ng contact tracers at pagbili ng health-related products gaya ng alcohol at face masks.

Sa kauna-unahang press briefing  ni  Interior Secretary Benhur Abalos, sinabi nito na ang unobligated amount na ₱577 million ay mula sa  2021 appropriations fund  na nananatiling balido para sa obligasyon hanggang Disyembre 31 ngayong taon.

Ayon sa DILG, ang P436 milyon sa nasabing halaga ay mula sa “continuing appropriations ” na ibinalik na sa Bureau of Treasury alinsunod sa  Bayanihan 2.

Ang nasabing  halaga ay hindi naman “fully utilized” dahil nag-hire ang local government units (LGUs) ng sarili nitong  contact tracers at nag-provide ng shuttle services para sa mga “hired personnel.”

“Aside from the contact tracers being given by the DILG out of our appropriations, LGUs also have their own contact tracers and augmenting the DILG contact tracers, hence savings and other unexpended balances,” ayon kay DILG Assistant Secretary Ester Aldana.

Nauna rito, pinuna ng Commission on Audit ang DILG dahil sa kabiguan nitong gamitin ang P4.038 billion COVID-19 budget para sa  2021 na mayroong  P577 million unused funds.

Samantala, tiniyak naman ni Abalos na ang unused funds ay hindi nangyari sa ilalim ng kanyang termino.

Ipapa-check aniya  niya ito at paiimbestigahan. Kris Jose