Unvaxxed residents bawal sa mga pampublikong sementeryo sa bayan sa Zambales

Unvaxxed residents bawal sa mga pampublikong sementeryo sa bayan sa Zambales

October 27, 2022 @ 5:21 PM 1 month ago


SAN ANTONIO, Zambales- Hindi papasukin ang mga hindi bakunadong residente ng bayan ng San Marcelino sa pampublikong sementeryo sa Undas, ayon sa lokal na pamahalaan.

Sa abiso nitong Miyerkules, pinaalalahanan ni San Marcelino Mayor Elmer Soria ang mga residente na sumunod sa mga polisiya, kabilang ang COVID-19-related restrictions, na ipinalabas ng lokal na pamahalaan para sa pagbisita sa mga namayapa sa All Saints’ Day at All Souls’ Day (Nov. 1 at Nov. 2).

Inihirit sa mga residente na patuloy na magsuot ng face mask at iwasan ang pagkalat ng virus, ayon sa public information office ng bayan.

Batay sa datos, walang aktibong COVID-19 cases sa lugar hanggang nitong Martes.

Ipinagbabawal din sa loob ng sementeryo ang alak, flammable materials, firearms, matutulis na bagay, sound systems, at pagsusugal. RNT/SA