Unvaxxed sea travelers ‘di papayagan sa Manila ports

Unvaxxed sea travelers ‘di papayagan sa Manila ports

January 14, 2022 @ 2:19 PM 1 week ago


Manila, Philippines — Hindi papayagan ang mga sea traveler na hindi pa bakunado laban sa COVID-19 na makapasok sa mga pantalan sa Metro Manila sa ilalim ng umiiral na “no vaccine, no ride” policy na ipinapatupad ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel Santiago, ito ay nasa ‘soft implementation’ stage pa lamang buhat noong Huwebes.

Habang ang full implementation naman ay isasagawa sa Lunes, Enero 17, 2022.

Dapat ding magpresenta ang mga manlalakbay ng physical o digital copies ng local government-issued vaccine cards at vaccine certificates na inisyu ng Health Department. RNT/FGDC