UP board maghahalal ng bagong pangulo

UP board maghahalal ng bagong pangulo

December 9, 2022 @ 10:02 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magkakaroon na ng bagong pangulo ang University of the Philippines.

Ito ang inanunsyo ng UP board of regents (BOR) kung saan ngayong araw, Disyembre 9 ay inaasahang pipili na ang mga ito ng susunod na presidente na mangunguna sa premyadong state university.

Ang mailalagay na bagong presidente ay magsisilbi bilang ika-8 constituent units mula 2023 hanggang 2029.

Mayroong anim na kandidato ang tumatakbo sa nasabing pwesto, ito ay sina:

Patrick Alain Azanza, pangulo ng Catanduanes State University mula 2021

Salvador Belaro Jr., dating 1-Ang Edukasyon party-list representative at kasalukuyang dean ng College of Law sa Wesleyan University of the Philippines

Angelo Jimenez, former UP Regent mula 2016 to 2021

Fidel Nemenzo, nakaupong UP Diliman chancellor mula 2020

Fernando Sanchez Jr.,former chancellor ng UP Los Baños (UPLB) mula 2014 hanggang 2020;

at Benito Pacheco, isang propesor sa at UP Diliman (UPD) College of Engineering mula 2006.

Nagpahayag naman ng kani-kaniyang pangamba ang mga estudyante at faculty members sa kung sinuman ang uupo bilang susunod na pangulo.

“Kinakatakot natin ‘yong pagiging anti-democratic na UP president na mapipili nila. Mayroon ‘yong threat for us students na magiging commercialized lalo ang education, mas gagawing profit-making ang mga campuses rather than a space for learning,” sinabai ni UPD Student Council Chairperson Latrell Felix nitong Huwebes, Disyembre 8.

Kabilang pa sa isyu na tutugunan ay ang pagsalo ng susunod na UP president sa reduced budget ng unibersidad sa 2023.

Sa ilalim kasi ng proposed 2023 budget ng UPS ay nasa P44.1 bilyon na nabigyan lamang ng P21.85 bilyon sa ilalim naman ng 2023 National Expenditure Program ng Department of Budget and Management. RNT/JGC