UP-Diliman grad nanguna sa Electronics Engineer exam; 3 Electronics technicians namayagpag

UP-Diliman grad nanguna sa Electronics Engineer exam; 3 Electronics technicians namayagpag

October 15, 2022 @ 9:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nanguna ang graduate mula sa University of the Philippines – Diliman sa 785 passers ng October 2022 Electronics Engineer Licensure exams, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes ng gabi.

Samantala, tatlong Electronics Technicians graduates mula sa iba’t ibang paaralan ang  namayagpag sa licensure exams.  Kabilang sila sa 1,546 sa 2,005 na pumasa sa pagsusulit.

Nakakuha si Harold Andre Teodoro Puig mula sa UP-Diliman ng rating na 91.1 percent habang second placers naman sina John Albert Capule Bertuldo (Bulacan State University – Malolos) at Mark Andrew Victor Montero Lim (Mapua University – Manila) na nakakuha ng 88.50 percentage rating.

Ang topnotcher naman para sa Electronics Technician Licensure Examination na may percentage rating na 90.00 ay sina:

Cris Ramil Lequigan Calzita (Eastern Visayas State University – Tacloban), Mark John Rayela Peña (Pamantasan ng Cabuyao), and Jun Nico dela Cruz Zabala (University of Sto. Tomas).

Kasama sa top performing school para sa October 2022 Electronics Engineer Licensure Examination ang University of the Philippines – Diliman habang sa Electronics Technician Licensure Examination, nanguna ang Mapua University – Manila. RNT/SA