UP Diliman grads namayagpag sa September 2022 Librarian exam

UP Diliman grads namayagpag sa September 2022 Librarian exam

September 17, 2022 @ 10:30 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Ilang nagsipagtapos sa University of the Philippines – Diliman ang kasama sa listahan ng topnotchers ng September 2022 Librarian Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes.

Nanguna si UP-Diliman graduate Marzo Meco Bagayaua Alfonso sa pagsusulit na may percentage na 88.20, mula sa 250 examinees na nakapasa sa pagsusulit.

Ang top performing schools na may mahigit anim na examinees at hindi bababa sa 80 percent passing percentage ay: University of the Philippines – Diliman at Saint Paul University – Surigao. RNT/SA