UP kinuwestiyon ni Cayetano sa pagsuspinde sa UPCAT sa kabila ng malaking badyet

UP kinuwestiyon ni Cayetano sa pagsuspinde sa UPCAT sa kabila ng malaking badyet

September 6, 2022 @ 2:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Lantarang kinuwestiyon ni Senador Alan Peter Cayetano ang suspensiyon ng University of the Philippines (UP) sa UP College Admission Test (UPCAT) sa kabila ng malaking badyet na inilalaan sa pamantasan.

Sa pahayag, hiniling ni Cayetano sa Senado na kaagad talakayin ang isyu sa suspensiyon ng UPCAT dahil hindi maaaring palagi na lamang isususpendi ito dahil malaki ang nakukuhang pondo mo sa lahat ng State Universities and Colleges (SUC).

β€œKapag walang UPCAT, dalawa ang biktima dito, y’ung bata and y’ung university. Why? Because UP gets 23.41% of the budget of all the SUCs. Almost one fourth of their budget goes to UP – meaning greater funds, greater power, greater responsibility. Hindi pwede ang petiks-petiks diyan at hindi na pwedeng hindi mag-UPCAT. This is so urgent,” ayon kay Cayetano sa kanyang manifestation sa ginanap na regular na Senate session noong September 5, 2022.

Sinuspendi ng UP ang UPCAT simula noong 2020 dahil sa pandemya ng COVID-19 at namimili lamang ng estudyante base sa high school grades ng mag-aaral.

Pero, nang gumanda ang sitwasyon sa pandemya, naghain si Cayetano ng Senate Resolution No. 157 noong Agosto 25, 2022 na humihiling sa UP na magsagawa ulit ng UPCAT sa susunod na academic year 2023-2024 upang maging holistic ang proseso sa admission.

Ngunit, nitong Biyernes, inihayag ng UP na sinuspendi sa ikatlong taon ang college entrance exam sa incoming freshmen.

Sinabi ni Cayetano kapag hindi nagsagawang UPCAT, maraming deserving students na maaaring hindi mataas ang grado sa high school pero kayang pumasa sa entrance test.

β€œKung y’ung grades lang titingnan mo, you will not get the best of the best. Pinapatay mo mga pangarap ng mga bata,” ani Cayetano.

Bago magsesyon nitong Lunes, pinangunahan ni Cayetano ang organization meeting ng Senate Committee on Science and Technology, na bumaling nang sandal sa hindi kaaya-ayang UPCAT passing ng Philippine Science High School (PSHS) students na umabot lamang sa 60.55 percent. β€œThis ranks poorly as compared to the school’s 97 to 99 percent passing rate during pre-pandemic years.”

β€œThe Philippines Science High School system has 12 schools and during the administration of UPCAT, they have 97 to 99 percent or almost a hundred percent passing. Nung nawala ang UPCAT, only 60.55 percent ang pumapasa,” giit ni Cayetano.

β€œTwo years na ‘to. Many science high schools around the country are complaining that the best of the best are not getting in kasi mali ang sistema,” dagdag niya. Ernie Reyes