UP, La Salle bumaba ang ranggo sa top Asian universities

UP, La Salle bumaba ang ranggo sa top Asian universities

June 5, 2021 @ 2:39 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Bumaba ang ranggo ang University of the Philippines (UP) at De La Salle University (DLSU) sa 2021 Times Higher Education Asia University Rankings.

Bumaba ang UP ng 84 rank mula sa 65 rank nitong nakaraang taon.

Ito ay matapos makakuha ng 43.9 ngayong taon ang UP mula sa 44.5 na score noong 2020.

Habang ang DLSU ay nasa 401+ bracket mula sa dating 301-350.

Nakabase ang ranggo sa performance indicators tulad ng teaching, research, citations, international outlook, at industry income.

Nanguna sa listahan ang Tsinghua University sa China habang pumangalawa ang Peking University mula rin sa China.

Nakuha ng Singapore ikatlo at ikalimang ranggo, National University at Nanyang Technological University.

Pang-apat naman ang University of Hong Kong.

Ika-anim hanggang ika-sampung pwesto naman ang University of Tokyo, Chinese University of Hong Kong, The Hong Kong University of Science and Technology, Seoul National University, at Kyoto University.

Sa kabuuan, 551 unibersidad sa Asya ang kasama sa listahan. RNT/ELM