UP, La Salle bumulusok sa top Asian universities ranking

UP, La Salle bumulusok sa top Asian universities ranking

June 6, 2021 @ 10:09 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Bumaba ang ranking ng University of the Philippines (UP) at De La Salle University (DLSU) sa 2021 Times Higher Education Asia University Rankings.

Mula sa dating ika-65 na pwesto, bumaba ang UP sa ika-84 matapos na makakuha ng 43.9 na score ngayon, kumpara sa 44.5 noong 2020, habang ang DLSU ay bumulusok mula sa 301-350 bracket papunta sa 401+ bracket.

Ang nasabing ranking ay ibinabase sa performance indicators sa aspeto ng pagtuturo, research, citation, international outlook, and industry income.

Nanguna ang Tsinghua University ng China sa Asia university rankings ngayong 2021. Sumunod dito ang Peking University na nasa China rin.

Sumunod rito ang:

National University of Singapore

University of Hong Kong

Nanyang Technological University, Singapore

University of Tokyo,

Chinese University of Hong Kong,

The Hong Kong University of Science and Technology,

Seoul National University, at

Kyoto University.

Pasok ang 551 unibersidad sa Asia sa 2021 ranking.