UP Manila grad nanguna sa November Dentist Licensure Exam

UP Manila grad nanguna sa November Dentist Licensure Exam

December 20, 2022 @ 6:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Namayagpag ang graduate ng University of the Philippines (UP) Manila sa Nov. 22 Dentist Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Martes.

Nakakuha si Janelle Kirsten Ong Go ng rating na 83.64 porsyento, batay sa PRC results.

Dalawa pang UP Manila graduates ang pasok sa top passers ng nasabing board exam: Tristan Robby Layne Usita Legaspi sa ikatlong pwesto na may rating na 83.50 porsyento, at Chelsie Cabalce Horiondo sa ika-anim na pwesto na may rating na 82.93 porsyento. 

Samantala, pinangalanan naman ang Centro Escolar University sa Makati, bilang top performing school sa pagsusulit, na may 118 passers sa 123 takers at passing rate na 95.93 porsyento.

Kabilang din sa top performing schools ang University of Baguio at Centro Escolar University sa Malolos, na may passing rates na 93.85 porsyento at 86.30 porsyento.

Base sa PRC, 1,431 sa 2,341 takers ang nakalusot sa Dentist Licensure Examination, na isinagawa sa testing centers sa bansa nitong nakaraang buwan.

Ipinalabas nag resulta makalipas ang anim na working days matapos ang pagsusulit. RNT/SA