UP-NCPAG nanguna sa orientation ng neophyte solons

UP-NCPAG nanguna sa orientation ng neophyte solons

June 27, 2022 @ 2:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Nagsimula na ang orientation ng mahigit 100 na bagong uupong kongresista ng 19th Congress na karaniwan ng pinangungunahan ng UP-National College of Public Administration Governance (NCPAG).

Napabilang sa 1st Batch ng may 24 na neophytes na kinabibilangan ng ilang prominenteng pangalan sa showbiz gaya nina Juan Carlos C. Atayde na uupong kongresista sa unang distrito ng Quezon City, Agimat Partylist Rep. Bryan B. Revilla, ang sikat na blogger at vlogger na si 1-Rider Rep. Bonifacio L. Bosita at ang isa sa pinakabatang kongresista na kung tawagin ay “Benjamin” na si 3rd District North Cotabato Rep. Ma. Alana T. Samantha Santos.

Isa pa sa pinagpipiliang “Benjamin” sa pagbubukas ng sesyon sa July 25 ay si Tarlac Rep. Jaime Cojuanco na katulad ni Santos ay parehong nas 25 taong gulang pa lang.

Mahalaga ang papel na gagampanan ng pinakabatang kongresista sapagkat naging tradisyon na sa Malaking Kapulungan ng Kongreso na sa kaniya manunumpa ang uupong Speaker of the House.

Kabilang din sa napabilang sa first batch ay sina 1st District Cagayan de Oro Rep. Lordan Suan; 2nd District Camarines Norte Rep. Rosemari Panotes, Tutok to Win Partylist Rep. Samuel Versoza Jr.;2nd District Quezon City Rep. Ralph Wendel P. Tulfo, ang bunsong anak ni dating House Speaker Propero Nograles na si PBA partylist Rep. Margarita Ignacia “Migs” B. Nograles.

Dumating din sa orientation sina 4Ps Partylist Rep. Jonathan Clement Abalos II, Cavite Rep. Andrian Jay Advincula, Zamboanga del Norte Rep. Adrian Michael Amatong; Caloocan City Rep. Mary Mitzi Cajayon-Uy; Lanao del Norte Rep. Sittie Aminah Dimaporo; Manila Rep. Ernesto Dionisio, OFW Partylist Rep. Marissa del Mar Magsino; Pinuno Partylist Rep. Ivan Howard Guintu, Zamboanga Sibugay Rep. Antonieta R. Eudela; [email protected] Partylist Rep. Anthony Rolando Golez Jr.

Sa July 25 ay ang state-of-the-nation address (SONA) ni President- Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ganap na alas-3 ng hapon samantalang sa umaga naman ay maghahalal ang mga kongresista ng magiging Speaker ng 19th Congress.

Si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang sinisigurong susunod na Speaker subalit hanggang sa oras na ito ay wala pang matunog kung sino naman ang magiging House Majority Floorleader. Meliza Maluntag