UP Oval sarado ‘gang Marso 22

UP Oval sarado ‘gang Marso 22

March 19, 2022 @ 5:00 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Isasarado sa publiko ang academic oval ng University of the Philippines (UP) sa Diliman, Quezon City simula Marso 19 hanggang 22 upang bigyang-daan ang Special Bar Examinations para sa Shari’ah Courts.

Base sa UP, isasara ang Oval sa “motorists, pedestrians, cyclists, and joggers, including unauthorized persons or entities”.

Ayon sa Office of the Vice Chancellor for Community Affairs, “only authorized individuals and vehicles will be allowed entry to the restricted areas.”

Sa pansamantalang pagsasara, inaabisuhan ang publiko na maghanap ng alternatibong ruta kung posible.

Isasagawa ang pagsusulit sa Linggo at Martes.

Ang Special Shari’ah Bar Exams ay para sa mga nais maging abogado at magtrabaho sa mga korte sa ilalim ng Bangsamoro justice system. RNT/SA