UPCAT para sa AY 2023-24 suspendido

UPCAT para sa AY 2023-24 suspendido

September 2, 2022 @ 5:24 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Muling sinuspinde ng University of the Philippines (UP) hang pagsasagawa ng UP College Admission Test (UPCAT) sa buong bansa para sa Academic Year 2023-2024.

Inanunsyo ni UP Office of Admissions Director Francisco De los Reyes nitong Biyernes na kabilang sa mga rason ng pagpapaliban ng pagsusulit ang “health risks and operational hurdles” ng in-person exams dahil sa pandemya.

Iginiit din ni De los Reyes na inadopt din ng University Councils (UC) ng walong constituent universities ng UP System ang resolusyon para sa kaligtasan at kapakanan ng student applicants at personnel.

Habang walang UPCAT, pananatilihin ng unibersidad ang UC-approved UP College Applications (UPCA), isang admission score model sa assessment ng student applicants.

Unang ikinasa ang UPCA noong 2020, sa parehong taon na sinuspinde ang UPCAT dahil sa health restrictions sa banta ng pandemya. RNT/SA