UPDATE: 11 nasawi sa pagsabog sa Basilan, kinilala

UPDATE: 11 nasawi sa pagsabog sa Basilan, kinilala

July 31, 2018 @ 3:38 PM 5 years ago


Basilan – Kumpirmadong nasa 11 na ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring pagsabog sa checkpoint sa Lamitan, Basilan, ngayong Martes (July 31).

Kabilang sa nasawi ang checkpoint/post commander PFC. Sammad Jumah, at mga CAFGU na sina Adlan Abdullah, Muid Manda, Teteng Omar at Herminio Gapo.

Habang ang mga sibilyan na sina Hadja Radiya, asawa ni Omar, Gabi, anak ni Omar at Radiya, isang hindi pa tukoy na babae na asawa ni Manda.

Sugatan naman sina Cafgu members, Gerry Inso at Wilbert Garcia at mga sundalong sina Cpl. Romeo Tabun; 1LT Rojean Rodriguez; SSgt. Renante Escanyan; PFC Romeo Frias at PFC Jeffrey Martisio.

Nangyari ang pagsabog ng isang passenger van dakong alas-5:30 ng umaga sa mismong checkpoint ng militar at pulisya sa Barangay Bulanting. (Jeff Gallos)