UPDATE: 120 pamilya apektado sa sunog sa Maynila

UPDATE: 120 pamilya apektado sa sunog sa Maynila

March 13, 2023 @ 4:28 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 120 pamilya ang apektado ng malaking sunog na tumupok sa mga tirahan sa Binondo, Maynila kaninang madaling araw, Marso 13.

Sa ulat, umabot ng hanggang dalawang oras ang sunog na idineklarang fire out bandang alas-6 ng umaga at apektado naman ang nasa 40 tirahan.

Mabilis na kumalat ang sunog dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay.

Ayon sa Manila Department of Social Welfare (MDSW), nakahanda naman silang tulungan ang mga apektadong residente.

“Ang unang gagawin po namin is mag-profile ng mga nasunugan natin, mga affected families,” ayon kay MDSW officer Joshua Garcia.

“After makapag-settle po sila sa mga modular tent, mailista na po namin sila, ang local government of Manila [ay] magbibigay ng paunang food packs and hot meals,” dagdag pa niya. RNT/JGC