UPDATE: 14 pugante, naibalk na sa kulungan sa Cavite

UPDATE: 14 pugante, naibalk na sa kulungan sa Cavite

July 29, 2018 @ 4:41 PM 5 years ago


 

Cavite – Nasa labing apat na pugante ang naibabalik sa piitan sa Bacoor Custodial Center matapos ang walang kaabog-abog na pagtakas ng may dalawampu’t tatlong preso nitong araw ng Biyernes (Hulyo 27).

Base kay Police Regional Office-4 (PRO4) spokesperson Supt. Chitadel Gaoiran, pinakahuling nadakip ang tatlong pugante na sina Divinagracia Dellon; Frederick Salondro at Romeo Cabral habang nasa siyam pang pugante ang patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.

Ayon kay Gaoiran, may mga preso na karamihan sa kanila ay may intensyong sumuko sa pulisya.

Ilan umano sa mga preso ay nadakip sa kani-kanilang mga bahay dahil na rin sa tulong ng lokal na awtoridad sa Cavite City.

’Yung iba, inabutan natin sa bahay, hindi pa nakakaalis sa bahay nila, yung iba naman, talaga ay sa tulong na ng kabarangay natin sa Bacoor and even sa nearby cities at municipalities dito sa Cavite City po,” saad ni Gaorian.

Lahat ng pumugang mga bilanggo ay may karampatang kaso na ihahain laban sa kanila kaugnay ng pagtakas sa kulungan ng Bacoor Custodial Center.

Samantala, nasa walong jail guards na ang sinibak sa puwesto dahil sa jailbreak. (Jeff Gallos)