UPDATE: 6 patay sa pagsabog ng car bomb sa Basilan

UPDATE: 6 patay sa pagsabog ng car bomb sa Basilan

July 31, 2018 @ 9:00 AM 5 years ago


 

Lamitan, Basilan – Anim na indibidwal, kabilang ang 10-anyos na bata ang namatay sa pagsabog sa checkpoint in Lamitan, Basilan, ngayong Martes (July 31).

Bukod sa bata, kabilang sa mga namatay ay apat na sundalo at driver ng van kung saan inilagay ang bomba.

Dahil dito, suspetsa ng mga imbestiogador na ang insidente ay isang suicide bombing.

Ayon kay Lamitan Vice Mayor Roderick Furigay, kinakausap ng mga sundalo ang driver ng van upang inspeksyunin ito nang biglang sumabog ang sasakyan sa Sitio Bulanting, Barangay Colonia, Lamitan, Basilan.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad kung maituturing na suicide bombing ang insidente at kung anong grupo ang maaring may kagagawan ng pagsabog.

Ang lugar ng Basilan ay kilalang kuta ng mga armadong grupo gaya ng Abu Sayyaf. Remate News Team