UPDATE: Abortionist kinasuhan na dahil sa OFW na namatay sa hotel

UPDATE: Abortionist kinasuhan na dahil sa OFW na namatay sa hotel

July 12, 2018 @ 2:44 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Kasong intentional abortion ang kinahaharap ng isang 57-anyos na ginang nagpalaglag sa dinadalang sanggol ng 32-anyos na Overseas Filipino Workers(OFW), na namatay sa loob ng silid sa isang hotel sa Quiapo,Manila, kahapon.

Nakilala ang sinasabing abortionist na si  Luzviminda Tibay , ng Carcer St., Quiapo , habang ang biktimang si Nelia Sotelo ,ay isinailalim na sa awtopsiya.

Pinag-aaralan na rin kung dapat managot ang pamunuan ng Hotel 99 sa Bautista St., Quiapo.

Sa imbestigasyon ni Det Donald Panaligan,ng Manila Police District-homicide section, Martes ng alas-2:00  ng hapon ng mag check-in ang biktima sa Rm.526, kasama ang isang Catherine San Jose, 36.

Kinabukasan ng alas-2:30 ng hapon kinatok ng mga hotel staff ang kuwartong inookupa ng biktima pero walang sumasagot kaya napilitan silang gamitan ng duplicate key at dito nila nakitang dinudugo ang biktima.

Mabilis umanong binuhat ng mga hotel staff ang biktima sa pagamutan kung saan idineklara itong dead in arrival.

Nalaman naman ni San Jose ang nangyari sa biktima nang bumalik ito sa motel at puntahan ang biktima dahilan para pigilin siya at isailalim ng imbestigasyon.

Inamin naman nito sa pulisya na nagpa abort ang biktima sa suspek at nagbayad ito ng halagang P10,000 para sa trabaho.

Itinuro ni San Jose ang kinaroroonan ng abortionist sa kanyang bahay sa Quiapo dahilan para ito imbestigahan.

Lumitaw sa ulat ng pulisya, 3 araw pa lamang sa bansa ang biktima galing sa bansang Dubai , na isang Domestic Helper at pangalawang beses na umano itong nagpapalaglag ng sanggol sa kanyang sinapupunan sa nasabing suspek. (Rene Crisostomo)