UPDATE: Construction site sa Binondo, tigil operasyon muna

UPDATE: Construction site sa Binondo, tigil operasyon muna

August 6, 2018 @ 7:30 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Tigil muna ang operasyon ng mga trabahador sa isang construction site sa Binondo, Maynila kung saan dalawang karpintero ang namatay  habang 2 pa ang sugatan nang bumagsak at mahulog sa ika-apat na palapag na platform.

Sa ngayon ay masusing nagsasagawa ng inspeksyon ang City Engineer ng lungsod sa nasabing construction site at sa manggagawa nito upang malaman ang mga paglabag ng may-ari ng gusali at contractor nito dahil sa kawalan ng sapat na safety harness ng mga biktima.

Nito lamang Sabado, bumigay ang platform na tinutungtongan ng mga biktimang sina Eduardo Bermas, 60; Rey Pajares, 41; Efren Bantolo, 26; at Francis Bejo, 24.

Sa kasawiang palad namatay sina Bermas at Pajares sanhi ng mga tinamong bali sa katawan habang sugatan naman sina Bantolo at Bejo.

Pawang mga stay-in sa Policome Construction Development Corporation sa panulukan ng Lavezares St., at Sto. Cristo sa Binondo ang mga biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden