UPDATE: Crowd estimate sa Walk of Faith ng Nazareno, higit 140K na

UPDATE: Crowd estimate sa Walk of Faith ng Nazareno, higit 140K na

January 8, 2023 @ 2:18 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Patuloy ang pagdagsa ng mga deboto sa Quiapo church ngayong araw, Enero 8 para dumalo ng misa.

Sa pinakahuling update ng Minor Basilica command post, mula alas-12 ng madaling araw hanggang alas-11 ngayong umaga ay umabot na sa 103,277 ang crowd estimate sa Walk of Faith sa Nazareno.

Ayon sa command post, ito ay para lamang sa Quiapo Church habang ang crowd estimate na ngayon sa Quirino Grandstand at umabot na sa 37,665.

Bagama’t makulimlim ang panahon at may pag-ambon, tuloy-tuloy pa rin ang pagdating ng mga deboto sa Simbahan at Grandstand bilang panata sa taunang tradisyon para sa Pista ng Poong Itim na Nazareno.

Sa ngayon, wala pang iniuulat na kaguluhan o untoward incidents sa nagpapatuloy na aktibidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden