UPDATE: Estudyante tumalon sa school building, patay
January 24, 2023 @ 9:49 AM
4 days ago
Views: 312
Remate Online2023-01-24T09:51:02+08:00
MANILA, Philippines – Winakasan ng isang lalaking estudyante ang kanyang sariling buhay matapos itong tumalon mula sa ika-siyam na palapag ng Lucio C. Tan na gusali sa loob ng campus ng University of the East sa Caloocan City.
Hindi na umabot ng buhay sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang 19-anyos na senior high school student ng UE Caloocan Campus, residente ng Navotas City.
Base sa imbestigasyon nina PCpl Deojoe Dador at PCpl Ryan C Ocampo kay, dakong alas-6:25 ng umaga nang maganap ang insidente sa bakanteng lote sa likod ng LCT Building ng University of the East – Caloocan Campus, Samson Road, Barangay 80.
Sa ulat ng pulisya, nagtungo umano ang biktima sa rooftop 9th floor ng LCT building at tumalon na agad na isugod sa nasabing pagamutan ng security ng University.
Ayon sa pulisya, nakuha ng saksing si Ariel Victoria Mallari, 45, maintenance personnel ng UE ang isang hand-written suicide note:
“Mom, I left a note under my drawing pad at my desk. It’s not your fault, I’m sorry. I really sorry mom.”
Isa pang suicide note ang nakita sa desk ng biktima na naglalaman ng mga katagang:
“Password is: Sensational 2022, I repeat, Sensational 2022. Also, it’s not your fault. It’s mine, I just got tired of this world. I’m sorry. There’s a few requests I have, just look at the desktop after logging in.”
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nasabing insidente. R.A Marquez
PAHAYAG NG PAMUNUAN NG UNIVERSITY OF THE EAST

January 27, 2023 @8:59 PM
Views: 36
Manila, Philippines-Inilunsad ng isang global technology company na Tala ang Tiwalang Tala Palengke Tour na aarangkada sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Ayon kay Tala Country Manager Donald Evangelista, ito ang tugon nila sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa pamamagitan ng flexible na microloans at pagbibigay ng access sa iba’t ibang financial services sa micro, small at medium enterprises na binubuo ng 99.5% ng mga negosyo sa bansa.
Aarangkada ang programa sa Commonwealth Public Market ngayong Enero 28 at sa Balintawak Public Market bukas.
Layon nitong suportahan ang market owners, vendors at mga konsyumer sa pamamagitan ng pagpapakilala ng microloans para mapalago ang kanilang negosyo gamit ang Tala app at pagsasagawa ng konsultasyon.
Sa pamamagitan nito, malalaman ng customer ang angkop na loan na maaaring niyang kuhanin base sa gastos at pangangailangan.
Ayon kay Evangelista, bagama’t malaki ang ambag ng MSMEs sa bansa, walang access ang karamihan sa kanila sa mga produkto ng mga pormal na financial institutions na maaaring makatulong sa kanilang negosyo kaya naisipan nilang ilapit ang serbisyo sa mga ito.
Sa customizable loans ng Tala, may kakayahang pumili ang customer ng araw ng kanilang repayment date upang maiangkop sa kanilang income cycle at makapagtabi ng sapat na budget sa kanilang mga bayarin. Binibigyan din ng option ang mga customer na magbayad ng hindi bababa sa P5 piso kada isang araw para sa P1,000 na utang. Maaari ring bayaran agad ang loan kahit na isang araw pa lang matapos itong kuhanin para mapaliit ang kanilang babayaran.
Kabilang ang customizable loans ng Tala sa mga microloan at financial services na maaaring ma-avail gamit ang Tala app na ipakikilala sa Tiwalang Tala Palengke Tour.
January 27, 2023 @8:05 PM
Views: 49
MANILA, Philippines – Iniharap ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Nicolas Torre III, ang estudyante na nagpadala ng ‘bomb threat’ sa pamamagitan ng social media sa kaniyang pinapasukang Ponciano Bernardo High School sa Quezon City, kahapon.
Kinilala ni Cubao Police Station 7 station commander, PLt. Col. Joseph Euje Almaquer ang nadakip na suspek na si Elfrank Emil Anthony Bacle Kadusale, 22 anyos, Grade 8 student ng Alterntive Learning System (ALS) at residente ng Brgy. San Martin De Porres, Cubao, Q.C.
Sa pamamagitan ng QCPD Anti-Cybercrime Team (QCACT), natunton ang pinagmulan ng bomb threat sa FB page messenger ng Ponciano Bernardo High School noong Enero 26, mula sa account ng isang Bob Key Ser Panganiban.
Nang komprontahin ito ng mga guro, itinanggi ng may-ari ng account na siya ang nagpadala ng mensahe at saka niya naalala na nalimutan niya noong mag log-out sa kaniyang FB account nang hiramin umano ni Kadusale ang kaniyang cellphone.
Nang isailalim na sa pagtatanong ng QCPD ang suspek, sinabi nito na “joke” o isang pagbibiro lang ang kaniyang ginawa.
“Our QCPD Anti-Cybercrime Group is equipped with state-of-the-art technology and we will track down anyone behind these bomb scares that could cause disruption and danger to our communities,” babala ni QCPD Director PBGen. Nicolas Torre III.
“I warned the public to refrain from posting or making bomb jokes dahil ito ay may karampatang kaparusahan. Maging leksyon sana ito sa ating kababayan na iwasan ang ganitong bagay dahil wala naman itong madudulot na maganda bagkus ay magiging dahilan pa ito ng kaguluhan sa ating mamamayan,” dagdag pa ng heneral.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa P.D. 1727 o Anti-Bomb Joke Law na may kaugnayan sa Section 6 ng R.A. 10175 o Anti-Cyber Crime Law at Robbery Extortion, dahil sa panghihingi umano ng halagang P100,000 para hindi ituloy ang pagpapasabog sa paaralan.
Una dito binalaan ni QC Mayor Joy Belmonte ang mga naglalabas o nagpapakalat ng mga false bomb threat kasunod ng pagkagambala kamakailan ng mga klase sa New Era Elementary School, Emilio Jacinto High School, San Francisco High School at Ponciano Bernardo High School.
“We will go after those who spread false information or pranks about bomb threats. Our schools are supposed to be a safe place for our students, and we will not take these pranks and threats lightly,” ayon kay Belmonte sa ginanap na consultation meeting sa pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD).
Nanawagan din ang alkalde sa Konseho ng Lungsod na gumawa ng ordinansang nagsasaad ng mas mabibigat na parusa o multa sa sinumang magpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa mga bomba o pampasabog. Jan Sinocruz
January 27, 2023 @8:01 PM
Views: 46
Bulacan – Patay ang isang 33-anyos na babae matapos saksakin ng kainuman at nagselos na mister sa kasagsagan ng selebrasyon ng kanilang anibersaryo sa bayan ng Obando.
Kinilala ang kalunos-lunos na biktimang si Louvelle, habang ang suspek ay nakilalang si Alfredo Matias, 40, construction worker , kapwa residente ng Brgy. Paliwas.
Sa report ng pulisya, nangyari ang insidente bandang alas -9 ng gabi nitong Enero 22 sa Rosal st. Brgy. Paliwas.
Ayon sa report, sa kasagsagan ng iinuman ang mag-asawa kasama ang dalawa pang kaibigan nang magkaroon sila nang mainitang pagtatalo.
Dahil dito, kumuha ng kutsilyo ang suspek at walang kaabog-abog na sinaksak sa dibdib ang kanyang asawa.
Agad dinala sa Valenzuela Emergency Hospital ang biktima para sa paunang lunas subalit patay na ito.
Nahuli naman ang suspek na nahaharap sa kasong Homicide habang nakakulong sa naturang istasyon.
Sinasabing dahil sa sobrang kalasingan ay nagbubunganga umano ito at nagpilit lumabas ng bahay kaya ito sinaksak ng mister niyang nagseselos sa isa nilang katoma. Dick Mirasol III
January 27, 2023 @7:56 PM
Views: 45
ILAGAN CITY, ISABELA – Kinoronahan na ang pinakamagandang dilag o kandidata sa Queen Isabela ang pambato ng San Manuel sa katatapos na coronation sa Bambanti Festival 2023 dito sa nasabing lalawigan.
Dalawamput siyam na naggagandahang binibini mula sa ibat-ibang bayan dito sa nasabing lalawigan ang nagtagisan ng galing at nagpamalas ng kagandahan na bahagi ng taunang piyesta sa lalawigan na ginanap sa Queen Isabela Park.
Una rito, isinagawa ang Judging ng Creative Attire ng bawat kandidata bilang unang bahagi ng aktibidad sa nabanggit na patimpalak noong ikadalawamput tatlo Enero taong kasalukuyan.
Sinundan naman ito ng Opening ng Exhibit ng Creative Attires ng mga kalahok sa kaparehong araw na ginanap sa SM City Cauayan.
Kinoronahan bilang Queen Isabela 2023 ang pambato ng bayan ng San Manuel na si Bb. Catherine Joy Legaspi.
Nag-uwi siya ng nasa limampung libong piso at iba pang gift certificates mula sa ibat ibang sponsors.
Wagi naman bilang Queen Isabela Tourism ang pambato ng Cauayan City na si Bb. Juliemae Villanueva at Queen Isabela Culture & Arts si Bb. Johanna Trisha Cinco, pambato ng Bayan ng Ramon.
1st Runner Up naman ang pambato ng Indigenous People Community na si Bb. Jaycel Lumauig at 2nd Runner Up si Bb. Cherie Lee Garlijo ng bayan ng Alicia.
Final 5 ang Cauayan City, Ramon, Indigenous People Community, San Manuel at Alicia.
Best in Talent si Bb. Jon Jesusa Del Mundo na pambato ng bayan n Naguilian; Best Creative Attire si Bb. Jazkaren Corpuz ng Echague; Best Portrait/Photogenic si Bb. Christine Mae Mapatac ng Roxas at Best in Swimwear si Bb. Juliemae Villanueva ng Cauayan City.
Wagi naman ng Texter’s Choice award si Bb. Karla Mae Dulay ng bayan ng Quirino at Best in Evening Gown si Bb. Juliemae Villanueva ng Cauayan City.
Umabot naman sa TOP 10 ang Sta. Maria, Quirino, Indigenous People Community Alicia, San Manuel, Ramon, Cauayan City, Roxas, Benito Soliven at Echague.
Ang nasabing kapiyestahan ay nagsimula January 23-29, 2023 na taunang piyesta ng nasabing lalawigan at bilang bahagi sa pasasalamat sa mga magsasaka sa kanilang naiambag sa sentro ng agrikultura.
Ang Bambanti ay salitang Iloko o Scarecrow sa English na ang ibig sabihin ay panakot sa mga ibon at umaatakeng peste sa mga palayan.
Samantala, pinangunahan ni Isabela Vice Gov. Faustino ‘Bojie’ Dy III bilang Director General ngayon kapiyestahan ang pagbubukas ng nasabing kapiyestahan kasama sina Gov. Rodito. Albano III at Atty. Noel Manuel Lopez, Provincial Administrator na isa sa mga nag-organisa at utak sa mga nasabing aktibidad sa naturang selebrasyon. Rey Velasco
January 27, 2023 @7:43 PM
Views: 56
MANILA, Philippines – Nanawagan ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga tricycle driver na naghahanap-buhay sa pamamasada sa Maynila na ayusin na ang kanilang mga dokumento para sa pagkuha ng prangkisa ng ipinapasada nilang sasakyan.




Sa pagdalo ni Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto nitong Biyernes ng umaga sa muling paglulunsad ng “Balitaan sa Tinapayan” na ginanap sa Tinapayan Festival Bakeshoppe sa kanto ng Dapitan at Don Quijote Streets, Sampaloc, sinabi nito na hihilingin niya kay Mayor Honey Lacuna-Pangan na bigyan pa ng palugit ang mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) para ayusin ang kanilang dokumento upang makakuha ng prangkisa, pati na rin maging ang kanilang lisensiya sa pagmamaneho.
Aminado ang bise alkalde na maraming pasaway na tricycle driver sa lansangan na hindi sumusunod sa batas trapiko para lamang mapabilis ang paghahatid nila ng pasahero.
Dahil dito, nanawagan si Vice Mayor Yul Servo sa mga tricycle driver na ayusin na ang mga kinakailangang dokumento dahil ito naman ang kanilang pinagkakakitaan para sa ikabubuhay ng kanilang pamilya.
“Kaya mga kababayan, mga batang Maynila, huwag ng kayong pasaway. Kung kailangan ninyong kumuha ng lisensiya, kumuha na kayo, kung kailangan ninyong magpa-rehistro ng inyong tricycle, iparehistro nyo para hindi kayo nagagambala kasi isang araw lang na hindi kayo makapagtrabaho, ang laking perhuwisyo na sa inyo yun,” panawagan ni Vice Mayor Yul.
Gayunman i onahagi naman ng bise alkalde na may ilang mga trike drivers ang nakakapagpatapos ng pag-aaral sa kanilang mga anak na kalaunan ay nagiging matagumpay na doktor o arkitekto habang ang iba naman ay minamana lang ng kanilang mga anak ang kanilang trabaho.
“Yung mga kababayan natin na nasa ganoong sitwasyon, dapat i-improve din natin ang pamilya natin para sa atin ding mga anak. Kasi meron naman tayong libreng eskuwelahan, meron tayong Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) meron tayong Universidad De Manila (UDM), me 100-plus tayong paaralan para sa elementarya at high school,” dugtong pa ng bise alkalde.
Nauna rito, dumaan muna sa muling paglulunsad ng Balitaan sa Tinapayan si Mayor Honey Lacuna-Pangan upang dumalo sa pagbabasbas at pangunahan ang ribbon cutting ceremony bago umalis patungo sa kanyang naunang pinangakuang kaganapan. JAY Reyes