UPDATE: Ganti ng kaaway, posibleng motibo sa tinumbang jail inspector

UPDATE: Ganti ng kaaway, posibleng motibo sa tinumbang jail inspector

August 2, 2018 @ 4:19 PM 4 years ago


 

Sta. Ana, Maynila – Posible umanong binalikan ng dating nakaaway ang napatay na jail inspector ng Bureau of Jail and Management Penology (BJMP) matapos itong tambangan kaninang umaga sa Sta.Ana, Maynila.

Sa ibinagay na salaysay sa pulisya ng testigong itinago lamang sa pangalang Anthony, dahil sa takot na baka madamay sa kaso, kalalabas lamang nito ng bodega sa kanyang pinagtatrabahuhang junk shop bilang helper, nang pumarada sa tapat nila ang hindi nakilalang suspek na naka-helmet sakay ng pulang motorsiklong XRM.

Patay sa ambush ang BJMP Jail inspector George Delpin sa kahabaan ng Sagrada St. Cor. Oro B St. Sta Ana Maynila. Crismon Heramis

Patay sa ambush ang BJMP Jail inspector George Delpin sa kahabaan ng Sagrada St. Cor. Oro B St. Sta Ana Maynila. Crismon Heramis

Patay sa ambush ang BJMP Jail inspector George Delpin sa kahabaan ng Sagrada St. Cor. Oro B St. Sta Ana Maynila. Crismon Heramis

 

Agad umano itong bumunot ng baril at pagkatalikod ay inangat ang salamin ng kanyang helmet saka tumawid sa gitna ng kalsada kung saan naroon ang biktimang si Jail Inspector Jorge Delfin, 49, nakatalaga sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City sakay ng kanyang kulay pulang Mistubishi Adventure na mayplakang PPQ-551, saka pinaputukan hanggang maubos ang bala ng isang magazine.

Ayon pa sa testigo nang maubos ang isang magazine ay muling nag-reload ang suspek, sumilip sa loob ng sasakyan saka muling niratrat at maubos ang pangalawang magazine.

Nang masigurong patay na ang biktima ay saka muling ibinaba ng suspek ang salamin ng kanyang helmet saka tumawid pabalik sa kanyang pinagparadahan ng kanyang motorsiklo sa tapat ng junkshop saka tumakas.

Ayon kay SPO3 Donald Panaligan, imbestigador, multiple gunshot wound ang tinamo ng biktima mula sa kalibre 9mm baril.

Sa ngayon aniya ay patuloy pa ang kanilang imbestigasyon upang malaman ang iba pang posibleng motibo sa pamamaril sa biktima kaninang pasado alas 10 ng umaga sa Sagrada Street, kanto ng Orobi Street sa Sta Ana.

Nabatid din na nagkaroon na rin ng insidente ng pananambang sa biktima noong 2012 subalit ito ay nakaligtas. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)