UPDATE: Higit 347K nakiisa sa Pista ng Itim na Nazareno

UPDATE: Higit 347K nakiisa sa Pista ng Itim na Nazareno

January 9, 2023 @ 6:05 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Marami pa rin ang humahabol para makadalo ng hourly mass sa Quiapo Church.

Sa pinakasariwang update ng Quiapo Church Command Center, pumalo na sa 347,050 ang kabuuang crowd estimate sa Quiapo kung saan 79,300 deboto ang nagtungo rito mula alas-3 ng hapon hanggang alas ng hapon.

Sa Quirino Grandstand naman ay nasa kabuuan nang 122,540 ang mga nagtungo para sa nagpapatuloy na Pagpupugay.

Kabilang na rito ang 180 lamang na indibidwal na nais makalapit sa imahe ng Black Nazarene sa nabanggit na oras.

Batay naman sa medical report, may iniulat na apat na kaso ng pagkahilo o pananakit ng ulo, 29 ang hypertension at hypotension.

Maliban dito, wala nang iba pang naitalang mga hindi kanais-nais na mga pangyayari sa pagpapatuloy ng aktibidad sa Pista ng Itim na Nazareno. Jocelyn Tabangcura-Domenden