UPDATE: Kelot na tumalon sa rooftop ng condo, patay

UPDATE: Kelot na tumalon sa rooftop ng condo, patay

August 5, 2018 @ 2:55 PM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Dipresyon ang binubusisi ng pulisya, kung bakit sadyang nagpakamatay ang isang 49-anyos na empleyado ng Department of Public Safety ng Manila City Hall, makaraang tumalon sa rooftop ng Avida Tower sa Sta.Cruz, Manila , kaninang umaga (August 5).

Nakilala ang biktimang si alyas ‘Ronald’ ng Avida Tower sa Sta.Cruz.

Base sa ulat ni Det. Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 7:20 ng umaga, nang makarinig ng malakas na kalabog sa ground floor ng Avida Tower.

Nabatid na unang may nakakitang bumagsak ang nakahanger na damit, sumunod ay 2 pang damit at bull cap na kulay asul.

Tumama ang katawan ng biktima sa unahang kotseng Honda Civic na kulay dilaw (RKA-597) na nakaparada sa tapat ng Condominium.

Sa kuha bng CCTV, nakilala ang biktima na tenant ng Condo, na umakyat sa rooftop sa umano’y 16 na palapag ng gusali, kaya agad nila itong ipinagbigay alam sa kanyang mga kaanak. Rene Crisostomo