UPDATE: Patay sa bagyong Paeng, umakyat na sa 121 – NDRRMC

UPDATE: Patay sa bagyong Paeng, umakyat na sa 121 – NDRRMC

November 2, 2022 @ 10:28 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Umakyat na sa 121 ang naiulat na nasawi dahil sa Severe Tropical Storm Paeng ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkules, Nobyembre 2.

Ito ay mas mataas sa naunang ulat na 112 nitong Martes.

Sa 6 a.m. situation report ng ahensya, pinakamarami pa rin sa bilang ay nagmula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na may 61 patay, sinundan ng Western Visayas sa 29 at Calabarzon na may 12 nasawi.

Tanging 92 sa kabuuang iniulat na nasawi ang kumpirmado na at ang iba ay patuloy pa ring bineberipika ng NDRRMC.

Samantala, umabot naman sa 103 katao ang napaulat na nasaktan at 36 ang patuloy na pinaghahanap.

Mayroon namang kabuuang 3,180,132 indibidwal o 927,822 pamilya mula sa 7,341 barangays ang apektado ng bagyong Paeng.

Nasa 11,294 na tirahan ang iniulat na nasira, 9,190 dito ang partially damaged at 2,104 naman ang totally damaged. RNT/JGC