UPDATE: Patay sa Christmas flooding, 49 na – NDRRMC

UPDATE: Patay sa Christmas flooding, 49 na – NDRRMC

January 1, 2023 @ 1:38 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umakyat pa sa 49 ang naitalang nasawi dahil sa malalakas at tuloy-tuloy na pag-ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha noong araw ng Pasko sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Ito ay batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo, Enero 1 kung saan kasabay nito ay mayroon pa rin na 22 nawawala at 16 na nasaktan.

Sa 49 nasawi, 33 ang patuloy pa ring biniberipika.

Karamihan sa mga nasawi ay mula sa Northern Mindanao.

Sa kabuuan, mayroon naman na 141,115 pamilya o 553,983 indibidwal ang apektado ng baha at pag-ulan na karamihan ay mula sa Northern Mindanao, MIMAROPA at CARAGA.

Matatandaan na kamakailan ay nag-anunsyo ng sate of calamity ang probinsya ng Misamis Occidental kabilang at pito iba pang lungsod at munisipalidad sa bansa. RNT/JGC