UPDATE: Patay sa lindol sa Indonesia, umakyat na sa 44

UPDATE: Patay sa lindol sa Indonesia, umakyat na sa 44

November 21, 2022 @ 6:35 PM 2 weeks ago


JAKARTA, Indonesia – Umakyat na sa 44 na katao ang nasawi at daan-daang residente ang nasaktan sa nangyaring magnitude 5.6 na lindol na tumama sa Java Island, Indonesia nitong Lunes, Nobyembre 21.

Ayon sa sa tagapagsalita ng Cianjur, West Java na si Adam, umakyat na sa 44 ang nasawi mula sa unang naiulat na 20.

“There have been dozens of people killed. So far, 44 people have died.”

Ayon sa weather and geophysics agency, naitala ang sentro ng lindol sa Cianjur na 75 kilometro timog-silangan ng kabisera nito na Jakarta, at may lalim na 10 kilometro na naramdaman pa hanggang sa nabanggit na lugar.

Dahil dito ay matinding napinsala ang mga gusali, tirahan at Islamic boarding school maliban pa sa mga pagguho ng lupa na naitala sa iba’t ibang lugar.

Nagpapatuloy pa ang pagkalap ng impormasyon ng mga awtoridad sa Indonesia sa epekto ng matinding lindol. RNT/JGC