Manila, Philippines – Patuloy ang search and retrieval operations ng Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay sa lumubog na sasakyang pandagat sa karagatan sakop ng Siamil malapit sa Malaysian border kung saan 7 ang patay habang 9 iba ang nawawala.
Sakay umano ang mga pasahero ang 16 pasahero na naglayag mula sa Sitangkai, Tawi-Tawi patungo ng Sempprnah, Sabah, Malaysia.
Batay sa salaysay ng nag-iisang survivor na si Ibrahin Hassan Mandul, nangyari ang paglubog noong Hulyo 30,2018 nang hampasin umano ng mga malalaking alon ang kanilang sinasakyan dahilan para itoāy lumubog.
Nasa state of decomposition na ang pitong bangkay nang matagpuan ng mga mangingisda sa Sitangkai reefs. Agad naman inilibing ang mga bangkay ng mga nasawi bilang bahagi ng Muslim tradition.
Kinilala naman ang mga pasahero ng lumubog na bangka na sina :
1 Marida Darmasiyun, 70, babae
2 Muin Tahil (Boat Operator), 53,lalaki
3 NurhudaĀ Albain, 53, babae female
4 Hassan Hussin, 53, lalake
5 Rasia Ami, 48 , babae
6 Alnajib Tahil, 17 , lalake
7 Aldison Tahil, 16 , lalake
8 Adzfar Tahil , 15 , lalake
9 Jenny Iborahim, 13, babae
10 MahnudaĀ Albain, 10, babae
11 Ru-Inda Darmasiyun, 9, babae
12 Amira Faizal, 8 , babae
13 Adzral Hussin, 8 ,lalake
14 Fairul Faizal, 7, lalake
15 Liya Husin, 7, babae
Makikipag-ugnayan naman ang PCG sa Malaysia authorities para sa posibleng joint operation.
Naglabas na rin ng paalala ang PCG sa lahat ng mga sasakyang pandagat na dumaraan sa bisinidad ng pinangyarihan ng insidente na magmatyag para sa posible pang mga survivors.Ā Jocelyn Tabangcura-Domenden