UPDATE: Preliminary investigation ng DOJ sa Lapid case, ‘di natuloy

UPDATE: Preliminary investigation ng DOJ sa Lapid case, ‘di natuloy

November 23, 2022 @ 11:46 AM 4 days ago


MANILA, Philippines – Hindi natuloy ang pagdinig ng Department of Justice sa kasong pagpatay sa broadkaster na si Percy Lapid at sa itinuturong middleman na si Jun Villamor.

Dahil ito sa maling nailagay na middle name ni suspended Bureau of Corrections chief Gerald Bantag sa kaniyang subpoena.

Ang nakalagay sa subpoena ay Gerald Bantag y “Soriano” sa halip na Gerald Bantag y “Quitaleg.”

Itinakda ng panel of prosecutors na sa Disyembre 5 na lamang isasagawa ang unang preliminary investigation.

Samantala, hindi rin sumipot kanina si Bantag sa unang araw sana ng pagdinig.

Tanging ang abugado niyang si Atty. Rocky Thomas Balisong ang nagtungo sa opisina ng Department of Justice.

Una nang sinabi ng abugado na tinitingnan muna nila ang magiging sitwasyon bago nila isasama sa preliminary investigation ang kanilang kliyente. Teresa Tavares

This is an updated story